Tuesday, 8 March 2011

Barado

Gusto kong magsulat, pero di ko magawa.


Marami akong naiisip isulat, pero hindi ako makabuo ng isang matinong blog post. Ang problema, mukhang nagkapira-piraso na ang laman ng isip ko. Parang puzzle na walang katapusan kong bubuuin. Tila sa sobrang dami ng butil ng ideyang nagkahalu-halo na sa bao ng ulo ko, hindi na makasabay ang mga daliri ko sa pagtipa ng mga letrang bubuo ng mga salitang gusto kong ipahayag. 

Gusto ko pang magsulat. Gusto ko pang magkwento. Gusto kong magsalita.


Pero bakit di ko magawa? Sana'y malusaw na ang kung anumang bagay na nakabara sa aking lalamunan at isipan..


itutuloy...

3 comments:

ardee sean said...

can lah.. can lah.. ang lalim ng pinaghuhugutan.. hehe :P

Jinjiruks said...

welcome back eben. hayaan mo papadala ako ng muriatic para malusaw yan. wag ka kasi masyadong perfectionist regarding sa post. kung anung unang maisip mo, sulat mo lang. go with the flow.

iriz said...

friend ang totoo nian , may nasulat ka na! :D kakapost ko lang sa twitter na indi na ko nakakasulat, tas dumaan ako blogger, same feeling!hehe. tuloy mo lang. :)