Tuesday, 16 February 2010

Baliktanaw

photo by Eben


Anumang bagay na ating sinimulan,

Dapat alam natin kung paano wawakasan.

May mga panaghoy tayo tungkol sa biro ng buhay,

Sa kung paano ito naging hindi makatarungan,

Hindi naging patas sa lahat ng mga dinanas.

Kaya ngayon ay sumisigaw tayo ng pagbabago.

Subalit hindi ba’t matatapos lamang

Ang isang bagay na nasimulan,

Kung naroon ang kagustuhan na ito’y matapos,

Ang kahandaan ng puso at isipan

Sa pagyakap sa pagbabago.

Dahil kung hanggang litanya lamang ang lahat,

O kaya naman ay pagtakas, paglinlang,

Pagkubli o pagsasawalang bahala,

Kapag papairalin ang pagmamalaki sa sarili,

Tiyak ay may isang bagay lamang na maaasahan.

Ito’y ang walang humpay na pagmumulto ng kahapon.

Hahabulin ka hanggang sa hindi mo na mawari

Kung paano pa makakaigpaw sa mga naipong pagkukunwari.

Ang katotohanan, nasabi na sa atin ang mga kawikaan,

Mga gasgas na salitang napagtanto na natin ang kahulugan.

Subalit tila ang hindi natin tunay na matutunan,

Ang paano ito isasabuhay upang magkaroon ng kabuluhan.

--------------------------


"Nakakapagod", first published 11 sept 2008


--------------------------

Disclaimer: Hindi ako nagyoyosi.

9 comments:

Jinjiruks said...

wala akong masabi.

iriz said...

hays...kung ako din friend magbabalik tanaw may mas luluma pa jan.

Thursday, October 26, 2006

http://mindandemotion.blogspot.com/2006/10/letting-go.html

goodluck na lang sa mga restless.

goodnyt.

Mangyan Adventurer said...

Ang sinimulan dapat talagang tapusin... Pero paano kung wala na 'yung nagsimula?

peripheralviews said...

marahil kung nabasa ko ito 9 years ago, baka nga hindi ako smoker ngayon.

三杯雞Sam said...
This comment has been removed by a blog administrator.
pusang kalye said...

gaya ng nasa picture na nasa post mo---ang isang bagay na aking nasimulan na hirap kong iwanan is yung paninigarilyo---dami na aksing associated sa paninigarilyo ko e---I would like to do it esp pag nag-iisip ako...parang naha-hasten ang thinking process...so lagot na talaga---kasi palaisip ako. hehe

I found you again---musta?

lin said...

AV,無碼,a片免費看,自拍貼圖,伊莉,微風論壇,成人聊天室,成人電影,成人文學,成人貼圖區,成人網站,一葉情貼圖片區,色情漫畫,言情小說,情色論壇,臺灣情色網,色情影片,色情,成人影城,080視訊聊天室,a片,A漫,h漫,麗的色遊戲,同志色教館,AV女優,SEX,咆哮小老鼠,85cc免費影片,正妹牆,ut聊天室,豆豆聊天室,聊天室,情色小說,aio,成人,微風成人,做愛,成人貼圖,18成人,嘟嘟成人網,aio交友愛情館,情色文學,色情小說,色情網站,情色,A片下載,嘟嘟情人色網,成人影片,成人圖片,成人文章,成人小說,成人漫畫,視訊聊天室,性愛,色情,080苗栗人聊天室,免費a片,視訊美女

maginoongbulakenyo said...

Buti nalang wala akong bisyo
.
.
.
.
bumisita,nakibasa at nag-iwan ng comment :)

Biyaheng Pinoy said...

Please vote for Biyaheng Pinoy for the 2010 Bloggers Choice Awards category. You must have your own blog to vote. Please read the instruction below on how to vote. Awards night will be next week, December 12, Sunday. So we appreciate if you vote us very soon. :) Thank you.

PS. You will need to register in the Philippine Blog Awards website so you can leave a link/comment so they can count your vote as valid.

http://www.philippineblogawards.com.ph/2010/12/02/voting-for-the-2010-bloggers-choice-award-is-now-open/