Friday, 26 June 2009

Paano Mag-Facebook Ang Ating Mga Bayani


Salamat kay Filipino ng Facebook, napatawa ako ng malakas. 

Panalong linya: Maria Clara saying 'IKR' and 'gurl'. hahaha!
Sayang at wala si Rizal, balita ko walang Wi-Fi sa kulungan...
 

Monday, 22 June 2009

In Photo: Happy Father's Day

"Walk with Dad"
Taken last 21st June, 2008




To my old man, please take care of your self always.
Please be patient with Mom, because I know you two quarrel a lot.
If my siblings are making fun of your visayan accent, it's just their way of making "lambing".
You may have the stinkiest feet, the loudest snore or the most outragous fart,
But these small, funny details about you only shows that there are no embellishments needed to describe how great you are as a father of five.
I thank God for choosing you and Mom as my parents.
And finally, my one and only wish, is that for you to quit your "tong-its" addiction. Por pabor...
We love you Papa.

Saturday, 20 June 2009

Anong nangyari sa akin? Quick 5!


1. I lost my DSLR battery charger, tuloy ngayon hindi kami makapag-photowalk ni Candice. Nakakalungkot. Para akong namatayan, hindi naman ako makabili agad kasi maraming pinagkagastusan ngayong buwan. I miss taking photographs.

2. Naging abala ako sa paghahanap ng bagong bahay na malilipatan. Tapos na kasi ang kontrata namin sa tinutuluyan naming bahay. Matapos ang tatlong linggong pag-galugad sa mga apartment buildings, nakakita na rin kami. Sa susunod na buwan ay bagong bahay – bagong buhay na kami.

3. Kailangan ko ang tulong ninyo. May sisimulan akong project para naman sipagin akong kumuha ng litrato. Sa project na ito, araw araw akong magpopost ng larawan na ayon sa isang tema. Ang balak ko ay magsimula ng isang “alphabet” theme kung saan ang subject o topic ng larawan ay nagsisimula sa letter ng alphabet. Halimbawa, Day#1: A for Apple, Day#2: B for Banana...and so on. Kapag nag-iwan kayo ng komento ay pakilagay na rin ang mga suggested topics/words ninyo from A to Z. Bilang pasasalamat, ilalagay ko sa larawan ang pangalan ng kung sino man ang nagbigay ng topic/word for the day.

4. Maliban sa photography at bikram yoga, may dadagdag na sa pagiging abala ko tuwing weekend. May sinalihan akong chorale group at tuwing sabado ay may apat na oras kami para mag-ensayo. Matagal na rin akong hindi nakakanta sa choir kaya medyo nangangapa ulit ako ngayon, pero alam kong kakayanin ko ito. Inilagay ako sa Tenor 2 kaya goodluck na lang talaga sa akin! Marami na kaming naka-lineup na kanta at pinaghahandaan na rin namin ang mga gagawing events sa darating na Pasko.

5. Excited na ako dahil sa susunod na buwan ay uuwi ako ng Pilipinas. Ayos lang kahit na isang linggo lang ang ilalagi ko doon, ang importante ay makakauwi ako at makakapag celebrate ng birthday kasama ang mga kaibigan at pamilya.



Well, I guess I’m okay. Hindi sobrang masaya at hindi rin naman malungkot. Basta ang alam ko, maraming “bago” na dumarating sa akin ngayon at excited na akong subukan ang mga ito.

Ayun lang muna sa ngayon...pasensya na kung barubal ang post na 'to. Gusto ko lang kasi patungan yung luma kong post. hahaha!

Sa mga palaging bumibisita sa blog ko ... terimah kasi! (Thank You!)

Bye for now!