Huwebes, alas tres ng umaga. Nakakabingi ang katahimikan. Malalim na ang pagtulog ng mga tao.
Pero gising pa rin ang diwa ko.
Hindi ko masumpungan sa apat na sulok ng aking higaan ang tamang posisyon para makatulog.
Ang nakalipas na araw ay napakahaba. Maraming nangyari. Maraming surpresa. Para akong binabangungot. Sa totoo lang, hindi masarap sa pakiramdam.
Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Napansin kong ubos na ang aroma candle pero nakakapit pa rin sa pader ng aking kuwarto ang amoy ng “Woody Herb” aromatic oil.
Iniisip ko kung paano ba ako makakatulog?
Sinubukan kong gawin ang ilang asana na natutunan ko sa yoga. Pranayama, Arda Chandrasana, Pada Hastasana, Dandayamana Dhanurasana, Ustrasana, Bhujangasana. Wala pa rin epekto.
Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto at dumiretso sa kusina. Binuksan ang pintuan ng refrigerator at kinuha ang isang galon ng gatas. Kumuha ako ng baso sa pamingganan at ibinuhos ang gatas sa baso. Ininom ng isang lagok. Wala pa rin epekto.
Ibinalik ko ang gatas sa loob ng refrigerator. Hanggang sa napansin ko ang kalan. Marumi ito. Puro mantsa na dulot ng mantikang pinagprituhan ng karne at isda. Samantala, ang sahig ng kusina na gawa sa puting tiles ay nangingitim na rin. Nang dumiretso naman ako sa lababo para hugasan ang basong ginamit ko sa pag-inom ng gatas, nakita kong nanggigitata ang paligid ng lababo.
Biglang nangati ang mga kamay ko.
Nagpabula ako ng sabon at ginamit ang espongha. Kinuskos ko ang paligid ng kalan. Kinuskos ang mga natuyong mantika at sinigurong makintab ang tiles.
Pagkatapos ay kumuha ng floor mop at timba. Nilagyan ng tubig at bleach ang timba. Nilublob ang basahan sa timba. Piniga. At pagkatapos ay sinimulan ko nang pasadahan ang sahig. Ilang beses kong binalik-balikan ang mga sulok na nalinis ko na. Sigurista ako.
Gigil na gigil ako sa paglilinis ng lababo. Tinanggal ko ang mga nakabarang piraso ng pagkain mula sa daanan ng tubig. Sinabon ang nagmamantikang lababo. Kinuskos ang tiles. Pinakintab ang gripo.
Naglilinis ako ng kusina sa madaling-araw.
Alas-sais na ng umaga. Papasok na ako sa trabaho. Kailangan ko pang magplantsa ng isusuot ko na long sleeves.
Mahigit apatnapung oras na akong gising at hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin ang tumakas na antok mula sa aking sistema. Ito na siguro ang pinaka-mahabang gabi sa tanang buhay ko.
Ginawa ko na ang lahat – Nagpaka-OC, sumayaw sa saliw ng Tell Me, kumanta ng Happy Day, kumain, uminom ng gatas at nagbilang ng pitumpu't pitong puting tupa subalit wala pa rin nangyari. Buhay na buhay pa rin ang aking diwa na nasa loob ng napapagal kong katawan.
Unti-unti ko nang nararamdaman ang paglutang. Paos na at medyo nahihilo. Ilang sandali na lang ay babagsak na ako. May sasalo pa ba sa akin?
Pagod na pagod na ako.