Wednesday, 25 February 2009

Briefing

Isang araw makalipas ang aming kauna-unahang Bikram Yoga class.

Jheng: Musta naman ang katawan mo Ben?? Loi ang galing ni Ben bumaluktot! Sayang Loi wala ka panigurado ang pula pula mo rin. Ang init kasi dun sa classroom. At naka-brief lang ang instructor! *tawa ng malakas* Kaso bading eh. *nanghinayang bigla* Next tym ha agahan mo.


Eloisa: Next time siguro makakasama na 'ko, hopefully kaya ko ang init. Talaga magaling si Ben? Ei dapat Ben mag brief ka rin, *giggling*


Jheng: *Halakhak* Go Ben for a brief! *tawa ulit* Ben we're looking forward for your briefing...*tawa kasama si Loi*


Sus. Ako na naman ang pinagnasaan ng mga housemate ko.


Eben: *seryoso look* Ah ganun, sige abangan niyo sa next class magsusuot ako ng T-Back. Magsawa kayo sa scenery!


Biglang napa-ewwwww yung dalawang Manang.

Sunday, 22 February 2009

Si Sally



Si Sally Pumasok Sa Pinto

Sa Door Pinto, Sa Door Pinto

Sa Front Door Pinto, Sa Front Door Pinto

----------------------------------------------------

Nakakatuwang nakakapagtaka...

Sampung taon na ang nakalilipas, hanggang ngayon kabisado ko pa rin ang 'trick' na itinuro sa akin ng pinsan ko para makabisado ang Electronic Configuration.

Hindi na ako estudyante. Hindi naman ako kumuha ng Chemistry noon sa kolehiyo. Wala naman itong kinalaman sa kasalukuyang propesyon ko. Pero natatandaan ko pa rin ang bawat salita, pati na rin ang detalye ng lugar kung saan ito itinuro sa akin - doon sa bahay namin, sa may bintana.

Siguro nga, may mga alaala na ang akala ko'y limot ko na subalit bigla na lang magbabalik nang di ko inaasahan.

Pero 'wag ka, kapag may pinipilit alalahanin...nahihirapan naman akong maapuhap.





O masyado ko lang ginagawang 'big deal' ang isang bagay na wala namang 'wenta tulad nito?




Haay, makatulog na nga lang...

Thursday, 19 February 2009

La Mesa Eco Park

After the photo walk in Quiapo and Manila Bay, the following day I went to La Mesa Eco Park with my college friends.

Here are some of the photos I took:

Photobucket
There's a pond on the other side of this fence inhabited by Japanese Koi's.


Photobucket
The Lake.

Photobucket
Reflections and ripples.

Photobucket
From this spot the La Mesa dam is just a few cartwheels away.

Photobucket
May isang Blogger na naliligaw sa litratong ito. ^_^

----------------------------------------------------------------------

Inside the Eco Park you can also visit the Butterfly Garden and Hatchery.

Photobucket
Green and Brown pupae.

Photobucket
Pupae glued on a cardboard strip glued on a styrofoam.

Photobucket
Closer look.

Photobucket
I forgot the name of this one.

Photobucket
A newborn butterfly resting on my fingers.

Photobucket
Dead butterflies

Photobucket
Dead butterflies...close up.


If you're a nature lover, you'll definitely love this place. Other activities you can enjoy in the park are swimming (yes, there is a swimming pool complex inside), wall climbing, fishing, boating and paint ball.

The park is quite similar to Singapore's Botanic Garden.

----------------------------------------------------------------------

About the La Mesa Eco Park

La Mesa Ecopark envisions a better environment for our children. Our mission is to spread environmental awareness through education and advocacy. La Mesa Ecopark is a venue providing for healthful outdoor recreation and a true forest experience. It is a living classroom and laboratory for environmental education and aims to be a center for biodiversity conservation. In 2006, over 280 different schools from all over the country, some coming from as far as Laoag, Bohol and Cebu, trooped to La Mesa Ecopark for their educational school field trips. Today, the park continues to be a popular destination for family outings and picnics; a more healthful alternative to shopping malls.

Source: La Mesa Eco Park web site

Wednesday, 18 February 2009

I'm Not Here To Make Friends...



------------------------------------------
....On da kontrari.

Malaki ang pasasalamat ko sa FAMAS blogging. Marami akong natagpuang mga nilalang. Iba't ibang uri ng tao, pero iisa ang pamamaraan para ipahayag ang sarili. Masasabi ko na ang ilan sa kanila'y mga bagong kaibigan.

Hindi ko na babanggitin ang pangalan mo, gusto ko lang magpasalamat sa iyo: IKAW na sumusubaybay sa blog na ito, IKAW na nasa listahan ng mga blog na palagi kong binibisita araw-araw, at IKAW na nakakausap ko sa munting chatbox dyan sa kaliwa. MARAMING SALAMAT at natagpuan mo si Eben.


To be rich in friends, is to be poor in nothing.



Hit it Fantasia!



Tuesday, 17 February 2009

I'm Here

Now everyone’s so proud of you. They adore and admire you. You are celebrated and commended. You were out there and I’m here where everything is the same. Late night, I stay awake, killing time by experimenting on different colours and hues. During weekends I still carry that big bag of whatever things wherever I go. I still enjoy long walks in the middle of nowhere, exploring new realms in this minute island. I’m still walking on the same streets, taking the same train ride on my way home, eat the same food and listen to the same music. I still enjoy this craft that we both shared. Everything’s the same but it is very, very different. You were out there where I can’t follow, where the least that I can become is a familiar face, a ‘has been’, the ‘one of those’, that someone you used to have dealings with. Without a word I have no place in your spacious circle anymore.

But during the time you’re like a beaten soldier, I was there to mend your wounds. I was there as a listener and not a judge for your actions. I cradled your vulnerability. I was vocal in applauding your resilience and wisdom. I was there to appreciate each and every form of art you were able to share be it visually or literary. I was your eyes to capture the moments you don’t want to forget and you know that. I kept on. I nurtured your words when you said that I’m special. But now, never will I exist in your world. Now I’m the invisible creature begging for a few minutes of your time just to start a bland conversation, struggling to put some warmth on your cold shoulder. You are celebrated but never will my name have a recall as a partaker.

Everything is the same but it is very, very different.

As I recall these words: “The only thing that I can do for you is to...”, I resent that I can’t even complete that sentence anymore.

---------------------------------------------------------------------------

I believe i have inside of me
everything that i need to live a bountiful life.
With all the love alive in me
i'll stand as tall as the tallest tree.
And i'm
thankful for everyday that i'm given,
both the easy and hard ones i'm livin'.
But most of all
i'm thankful for
loving who i really am.
- I’m Here, The Color Purple



Sunday, 15 February 2009

Si Nini

Taong 1992 nang biyayaan ang aming pamilya ng isang malusog at tumatalbog (8 pounds) na sanggol na babae. Malalim na ang gabi ng isilang ng aking Nanay sa aming shanty tahanan ang kapatid kong si Nini. Dahil siya ang pumutol sa trend ng pagsilang ng tatlong sunud-sunod na lalaki ng aking Nanay, literal na nagpalakpalakan ang mga kapitbahay ng buksan ng kumadrona ang bintana at ipangalandakan sa lahat na “It’s a bouncing baby girl!!!”


Magmula noon, si Nini ay naging mansanas ng mata at kinagiliwan ng lahat.


Pero hindi namin lubos akalain na hanggang sa edad na daisy siyete ay kagigiliwan pa rin namin siya hanggang sa puntong nawiwindang na kami sa mga banat niya.


Gusto niyo ng mga sampol? Eto..


----------------------------------------

Nanay: Anak manghingi ka nga ng kaning lamig sa Tita mo.

Nini: Opo Ma.

Agad naman kumuha ng plato at lumabas ng bahay si Nini. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ito kasama ang pinsan namin. Wala siyang dalang kanin.

Nini: Ma! Wala na daw kaning lamig sila Tita, utong na lang.

Medyo nagulumihanan ang Nanay at Pinsan ko. Tapos nagsalita si Pinsan to break the silence.

Pinsan: Ay si Nini...ambastos...

Hagalpak sila sa kakatawa. Tutong pala ang gusto niyang sabihin.


----------------------------------------

Nag-aaway si Nini at ang kapatid kong bunso. Ang dalawang yun hindi na nagkasundo kahit pareho silang babae. Si Tintin kasi may pagka-pasaway, si Nini naman masungit. Umabot sa puntong napikon na si Nini at nasigawan niya si Tintin.

Nini: IKAW TINTIN SUMOSOBRA KA NA HA! HINDI LAHAT NG GUSTO MO AYAW MO!


----------------------------------------

Kakauwi lang ni Nini galing eskwela. Si Nanay nasa labas at naglalaba. Imbis na batiin si Nanay ay dirediretso ito papunta sa bahay namin. Napansin siya ng Tita ko at pinagsabihan.

Tita: Oy Nini, ikaw dinaanan mo lang ang Mama mo ni hindi ka man lang nag-mano!

Nag-pause si Nini sandali, parang may iniisip. Tapos biglang sumagot...

Nini: Hindi naman po kami Katoliko e.

Tambling si Tita. Yung Nanay ko napalakas ang hataw sa damit gamit yung palu-palo.


----------------------------------------

Kahit na sagana sa bloopers si Nini, talentadong bata naman siya. Kabisado niya ang mga capital city ng iba’t ibang bansa, marunong mag-sign language, magaling mag-apply ng cutix sa paa at higit sa lahat ay mahusay mag-gitara. Hindi man siya yung tipong running for honors sa eskwela, alam ko naman na nagsusumikap siya para makatapos ng high school. Dati puro Kapuso channel 7 ang makikita mong marka niya sa report card. Noong malaman ko yun, pinag-sabihan ko siya. Alam kong maka-GMA Kapuso kami sa bahay, pero huwag naman niya idamay pati ang grades niya. Halos isang oras ko din siyang sinabon na may kasama pang banlaw. Mula noon, nag-improve na siya.


----------------------------------------

Dear Utol,

Happy Birthday! Ambilis ng panahon, ngayon papasok ka na sa kolehiyo. Noon ako pa ang nagpapalit ng diaper mo kapag ako ang nakatokang mag-baby sitter, tapos pinapaliguan pa kita dun sa lumang poso natin. Tumatanda na talaga ako. Ngayon mas malaki ka pa sa akin. Bawasan mo kasi yung pagkain ng kanin. Kapag sinabi mong one cup of rice ka lang, huwag mong gamiting pantakal yung Nissin Cup Noodles. Madaya ka eh. Huwag ganun.

Ang sabi mo, Tourism ang kukunin mong kurso? Naku maganda yan...magiging Turista ka.

Good luck to you.

Ingatan mo yung gitara.

Mahal ka ni Kuya.



P.S.

Bawal munang mag boypren!



Thursday, 12 February 2009

Akala Niyo Kayo Lang Ang May 25 Random Things?

25. The Feelinggerong Kusinero
- Cooking Skills: Alam ko kung paano magluto ng Sinigang, Nilaga, Menudo, Adobo, Sopas, mga pagkain na may Gata, Paksiw, Spaghetti/Carbonara, mga Inihaw. Marunong din ako gumawa ng salad at mga meryendang Pinoy tulad ng turon at banana Q. Natutunan ko ang lahat ng yan sa pagtambay sa kusina tuwing nagluluto ang aking Nanay. Sa ngayon ay nag-aaral pa rin akong magluto ng mga bagong putahe.
- Paboritong Gulay: Okra, Saluyot, Kangkong, Puso ng saging, Toge
- Ayaw na Gulay: Kalabasa, Carrot, Papaya

24. The Business Mogul
Naging ice candy vendor ako noon sa elementarya. Nilalagay ko sa coleman ang mga paninda kong ice candy at nilalako sa mga kaklase sa halagang piso kada piraso. Minsan sinita ako ng teacher ko dahil inaagawan ko daw siya ng customer sa mga paninda niyang White Rabbit at Lipps. Ako din ang tagabenta ng Nutriban at isa sa mga kumukuha ng Tray sa Canteen. Kinalaunan nung ako'y yuppy na ay naglako naman ng mga pagkaing almusal sa opisina tulad ng goto, sopas, spaghetti, champorado. Nasubukan ko din magbenta ng AVON products bilang pagtulong sa business ng aking Nanay.

23. The Feelinggerong Singer
- Isang beses sumali sa singing contest at dito pa sa Singapore. Umabot hanggang semi-finals...at dun nagtapos ang aking Idol dream.
- Nung nasa Pinas pa ako, madalas akong gawing human radio ni
Reign. Hanggang ngayon ginagawa pa rin akong human radio...ng mga housemates ko.
- Favorite Videoke piece:
Gold by Spandau Ballet, di ba Ardee? hehehe.
- Nagsubok mag-record ng kanta sa Videoke King doon sa Megamall. (Later, How Can I Fall, To Where You Are)

22. The Feelinggerong Photographer: Nahihilig sa Photojournalism, Macro at Landscape photography. Nasubukan din kumuha ng litrato para sa mga ikakasal. Gustong matuto ng Fashion Photography, kaya heto at naghahanap ako ng pwedeng gawing model. hehehe.

21. The Batang yagit: Dalawang beses naranasang maglakad mula Cubao hanggang Marikina. Duwag kasi ako, takot mag 1-2-3 sa jeep.

20. The Batang Timezone: Madalas mo akong makikitang nagsasayaw sa harap ng Dance Maniax 2nd Mix o kaya naman ay nakikipagtagisan ng talino dun sa Super Quiz (kunwari alam ko yung mga sagot).

19. The Anime fan: I thought of becoming a Cosplayer during Anime Conventions. Kaya lang magastos pala. Gusto ko pa naman maging si Hell Teacher Nube o Gendo Ikari. I'm a fan of Gundam Wing, Escaflowne, Evangelion, Hunter X Hunter, G.I.T.S., Appleseed, Mononoke Hime, Spirited Away, Voltes V, Sunny Pig, Doreamon at siyempre... Sailor Moon! LOL.

18. Turning Japanese: I know how to read and write Hiragana and Katakana. I can recognize at least 20 to 25 kanji characters. I may not know how to read a kanji, but somehow I get the meaning. I learned basic Japanese through self tutelage (started 1999). My first Japanese language book is "Atarashii Nihonggo" though I never pursued taking up at least Level 4 certification. I like wasabi, california maki and sushi. Tokyo is one of my dream destinations.

17. Turning Korean: Sinubaybayan ang A Rosy Life, Endless Love 1 and 2, Kim Sam Soon, Full House at Dae Jang Geum. Marunong din akong magbasa at magsulat ng kaunting Hanggul, siyempre self-tutelage pa rin. Marunong din akong gumawa ng Kimchi.

16. The Artist Kuno
- I was in sixth grade when I started creating my own comic book drawn at the back pages of my notebook.
- Created games similar to Mario 3 complete with maps and stories.
- Too bad wala na yung drawing collections ko dahil laging ina-arbor ng mga pinsan at kaibigan.
- First time to join a poster making contest: Grade One, 3rd placer. Theme: Something about Saving Mother Earth (?)

15. Most Valued Possessions: Boxed set of Lord of the Rings: Extended Edition, Harry Potter books, MP3 collection of Motion Picture Scores, D.C. comics t-shirts, Silver bracelet regalo ni Nanay, Boxed set ng 101 recipes na regalo ni Lolo, Low Key album na regalo ni
Reign, my laptop named Adelle (Dell Inspiron 1420), at ang aking SLR camera na si Candice (Canon 450D).

14. The Tolkien fan: Maliban sa boxed set mentioned in #15, meron din akong LOTR books at Silmarillon. Pinag-iipunan ko pa yung Children of Hurin. Marunong din ako ng kaunting Sindarin at Quenya. Namarie!

13. The Pixar fan: I've watched all their movies and animated shorts. My favorites are Finding Nemo and For the Birds.

12. Lots 'a Gusto: Gusto ko matuto mag-gitara, mag-piano at mag-violin. Gusto ko mag-bunjee jumping at sky diving. Gusto ko maranasang maging isang Voice talent. Gusto ko maglakbay sa iba't ibang panig ng mundo ala Lonely Planet.

11. The Reaper Tricker: Muntik na akong malunod sa ilog ng Wawa sa Montalban noong ako'y musmos pa lamang. Dahilan para magka-phobia ako sa open water.

10. The Disgrasyado: 1. Nauntog ako sa metal grills ng bintana at nawalan ng malay sa sobrang pagka-hilo 2. Habang paakyat sa pader ng kapitbahay para kunin ang bolang napunta sa bubungan, hindi ko nakitang my inverted hook pala sa itaas ng pader. Ayun, dumugo ang ulo ko.

9. The Pet Lover: Mas gusto ko ang aso kaysa pusa. Loyal kasi ang aso. Ang pusa loyal lang sa'yo pag may kailangan siya. May mga kilala akong tao na asal pusa.

8. El paborito: Favorite English movie: Requiem for A Dream. Favorite Tagalog movie: Himala. Favorite color: Green (moss, lime). Favorite Scent: Hugo Boss Energize. Favorite Actor: Tom Hanks. Favorite Actress: Cate Blanchette.

7. The TV buff: I'm a certified
Kapuso. Mula re-runs ng Kay Susan Tayo! sa madaling araw hanggang Master Showman sa madaling araw. Nanonood din ako ng mga foreign series tulad ng Grey's Anatomy at The Simpsons.

6. I can't do: Hindi ako marunong lumangoy at magbisikleta. Oo na, alam ko na ang sasabihin mo....Kay saklap ng aking kabataan.

5. Fears: Takot ako sa ipis at payaso.

4. The Circus Act: Kaya kong pagalawin ang aking tenga nang hindi hinahawakan.

3. The ugly duckling: Dati ako'y patpatin. Nerd looking - may malaking backpack, maraming bitbit na libro, nakasalamin, tigyawatin at parang hinati ni Moises ang buhok na naninigas dahil sa tagpi-pisong gel. Lagi pang inaatake ng ulcer. Sa ngayon masasabi ko na kahit papaano ay may kaunting improvement naman. hehehe.

2. See true: I have poor eyesight. I'm wearing contact lenses most of the time. Kung sakaling masalubong mo ako sa daan at hindi kita napansin, huwag mo naman ako paratangan na suplado. Hindi ko lang suot ang contact lens ko. :p O baka ayaw nga lang talaga kita pansinin. bwahahaha!

1. Curious Eben: When I was about to enter college sa PUP, I'm suppose to take up Business Management kasama ng best friend ko. However, out of curiosity sinubukan kong pumila sa B.S. Information Technology. I never expected na matatanggap ako dahil wala naman akong alam sa computers at bopols ako sa Math nung hayskul. But then I did and the rest is history... I'm currently in exile sa isang malayong Isla fours hours away from Manila... Salamat sa curiosity.


Monday, 9 February 2009

My 135th Post is a Repost

Paano Daw Ma In Love Ang Isang Programmer?

Isa akong logical na tao. Logical, ibig sabihin hinahanap ko ang mga rason para sa mga bagay at nagdedesisyon din ako base sa mga rason na `to. Mahilig akong mag-isip, at ito ang paborito kong pastime. Nakakalibang ang Algebra, at Calculus naman ang paborito kong subject. Mabilis rin ako sa minesweeper. Sigurado akong kaya kong I-break ang record mo. Pati na rin siguro sa Tekken kaya kitang karnehin. Na-solve ko rin ang rubik's cube nang walang nagtuturo. At kahit nung bata pa lang ako, kung kailan pa lang ako nagsisimulang mag-isip, sisiw lang kahit yung pinaka-sopistikadong jigsaw puzzle. At Oo, bago pa man ako mag-aral, nung mga tatlong taong gulang pa lang ako, sa unang beses kong makakita ng game-n-watch, sinabi ko sa sarili ko na balang araw ay gagawa ako nito. Tamang tama, parang planado, at naging ComSci nga ako.

Planado na ngang talaga, at parang kalkulado ko lahat ng mga mangyayaring sunod sa buhay ko. Hawak ko ang Algorithm, ang perpektong Pseudocode ko. Lahat ng mga mangyayari alam ko na, na parang program na ako mismo ang sumulat.

Oo, lahat.

Lahat siguro alam ko na.

Pwera ka.

Oo, pwera ka. Ikaw lang siguro yung hindi ko nakalkula. Malamang nga, ikaw pa lang yung nakarating dito sa pinaka-loob ko kung saan nakasulat ang matibay at napaka-walang maling source code ko. At doon nagsimula. Nakaramdam ang robot. Nakalimutan nya ang rason at nagsimula siyang malito. Biglang ikaw na lang yung naging rason. Ikaw na lang. Bakit, sino ka nga ba? Kung ikaw ang millenium bug, malamang hindi ako Y2K ready. Kahit na ilan pang cold o warm boot ang gawin ko, o ilang ulit mag Ctrl+Alt+Del, ikaw pa rin ang bubungad sa Welcome Screen ko. Wala akong alam sa ganitong sitwasyon, pero bakit parang ikaw na lang ang alam ko? Unang beses na nangyari ito sa buhay ko sa tinagal-tagal ng run-time ng aking Algorithm. Marahil kung Tekken ang buhay, eto ako, naka-hold ng forward, hindi man lang nag-tag, at handa nang mamatay.

Ikaw pa lang siguro yung nakarating dyan sa source code ko, sa core o sa pinaka-kaluluwa ng isang entity na katulad ko, kung saan ako pinaka-mahina, pinaka-hindi nag-iisip, pinaka-talunan. Ano bang ginawa mo at parang gusto kong sabihin sa buong mundo na mahal na mahal kita? Hindi. Hindi lang siguro yun dahil sa mga mata mo na kaya akong lunurin. Hindi. Nawala na ang rason, pero bakit parang wala pa ring mali?

Kung Java program ako, isa kang Exception na hindi ko alam i-throw. At siguro, kung sa C, kahit mag-compile hindi ko na magawa. Ikaw ang Anomaly ng Matrix ko, at kahit si Agent Smith o Merovingian ay natalo mo. Ikaw na nga ang "Why" pati ba naman ang "What" ikaw pa rin? Sabihin mo naman sa akin kung paano mo yun ginawa. Bakit? Ikaw ba yung the One? Kung ikaw nga at alam kong ikaw nga, sana ayos lang sa'yo.

Alam kong sinabi ko na sa'yo ang lahat, pero hindi ko alam kung naniwala ka. Pasensya na kung wala na akong magawang iba para maniwala ka. Salita. Yun lang. Pero hindi naman kasi "Mahal Kita" lang ang gusto kong sabihin, marami pang iba. Hindi ko lang alam kung paano sabihin, o kung ano yung katumbas nun sa salita. Oo, hindi ko mahanap yung salita. Kahit siguro saang language – kahit sa C# o Java, Pascal o Cobol, VBScipt o ActionScript, sa mas kumplikadong Assembly Language o Machine Language. Kahit sa mga 1’s at 0’s ng binary, mga true o false ng boolean, o kahit saan pa.

Pagpasensyahan mo na ang nakayanan ng isang ComSci na walang alam sa salita. Pero ngayon uulitin ko, at maghihintay ako sa sasabihin mo, kahit kailan pa yon at kahit anuman yon, gaya ng sinabi ko sa'yo: Mahal kita.



###############

[Warning: Error 404]
Ang may akda ay kasalukuyang naka-Quarantine. Uncleanable ang kanyang status dahil wala pang mahanap na solusyon ang Virus Database para alisin ang dumapong Alexithymia outbreak sa kanyang sistema… Please wait for further announcements from the Webmaster.

Friday, 6 February 2009

One Sun, Many Sunsets

I would like to share with you some of my collection of sunset photos.


Exhibit A
Photos taken last May 19, 2008 at the Changi Boardwalk here in Singapore. I used my Sony DSC T2 camera for this set. It was my first time to join my colleagues who are also into photography.

See you tomorrow 2
Take Me Away


Exhibit B
These photos are taken from the balcony of our flat here in Sembawang. Our flat is at the 16th level, the topmost floor of our apartment block and the balcony is located at the west side of the house. It's a perfect spot for sunset gazing.





Exhibit C
After our photo walk in Quiapo, our next destination was Manila Bay. Aside from taking photos of the infamous sunset, we also took some snapshots of the nearby Manila Yacht Club.

Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket

---------------------------------------------------

So there you have it folks, I hope you liked it. Your comments/suggestions/violent reactions/criticisms are most welcome. :)

Oh and by the way, I was wondering if there's a club for "Sucker for sunset photos"?hehe.

---------------------------------------------------

Hagkan mo ang dagat sa kanluran
At magkubli sa kailaliman
Habang ako'y nagpapaalam
Sa timyas ng iyong kagandahan.

Salamat sa liwanag na dulot mo,
Naging ilawan ng mga paa ko.
Bagama't ang lahat ay magiging anino,
Sa unti-unting paglisan mo.

Gayunpaman...
Bukas na lamang ako malulungkot
Mamahalin na lamang muna kita,
Sa ngayon...

- "Dapit hapon", isinulat ni Eben noong ika-8 ng Enero taong 2009

LSS: Never Be The Same

by Christopher Cross


It was good for me
It was good for you
Now nothing either of us can say or do
Can change the way you feel tonight
Sometimes love just slips out of sight

Just one thing before you go
Just one thing that you've got to know
No one will ever touch me that way
The way that you did that very first day


And I'll
Never be the same without you here
I'll live alone
Hide myself behind my tears

And I'll
Never be the same without your love
I'll live alone
Try so hard to rise above



The years go by
There's always someone new
To try and help me forget about you
Time and again it does me no good
Love never feels the way that it should


I loved you then I guess I'll love you forever
And even though I know we could never stay together
I think about how it could have been
If we could just start all over again



It was good for me
It was good for you
Now nothing either of us can say or do
Can change the way you feel today
Sometimes love just slips out of sight


-----------------------------------

Indeed, SINGING is far better than WAILING... You're in tune and with style. - Eben


Monday, 2 February 2009

Sa Quiapo...

"...ay maraming tao.
Doon sa harap ng Basilika ng Nazareno.
Bata, matanda, mga tindero't tindera.
Kanya-kanyang kalakal para kumita ng pera.
May maipambili lang ng pagkain sa mesa.
Makaraos ng 'sang araw ang buong pamilya.
"

-------------------------------------------------

Last December 17, I got the chance to do a photo walk in Manila. One of the destinations was the Basilica of the Black Nazarene in Quiapo. What I did, instead of focusing on the church, was to turn my attention to the people around Plaza Miranda - ordinary people from all walks of life trying to make a living.

I'm a first timer in street photography, so please bare with me. Most photos I took are just stolen shots because I was a bit shy to approach the people within the area.




Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

More photos @ my Multiply page.