Friday, 30 January 2009

Basang Basa Sa Ulan


I love Aegis! LOL

Walang magulo...

Ayoko na mag-explain. Basta sa ngayon nakaka-relate ako sa kantang 'to...basang basa na 'ko... Pagod na pagod na.

Heto ako ngayon, nag-iisa
Naglalakbay sa gitna ng dilim
Lagi na lang akong nadarapa
Ngunit heto, bumabangon pa rin

Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana'y may luha pa, akong mailuluha
At ng mabawasan ang aking kalungkutan

Dumi at putik sa aking katawan
Ihip ng hangin at katahimikan
Bawat patak ng ulan at ang lamig
Waring nag-uutos, upang maglaho ang pag-ibig.


----------------------------------------------------------------------------------

On a side note: Ang husay talaga ng vocalist ng Aegis (Sisters Mercy and Juliet Sunot). Parang may oxygen tank at built in amplifier ang lungs.


Pero ang talagang bumabagabag sa akin ay ang ang posibilidad na baka long lost sister nila si Love AƱover. Ano sa tingin niyo?



Dagdag kaalaman tungkol sa Aegis:
The literary meaning of AEGIS is "Shield" or "Protection". The group decided to adapt this word as the name of their band, because it expresses what they want to share to their listeners, to feel when they listen to their songs, that of being "protected" and "shielded" from being lonely. Most of the songs they chose for their album are love songs. They are hoping that lovers will find their songs as a protection from being lonely and broken-hearted.
---- akalain mong may ganun!


Can't get enough of Aegis? O sige isunod naman natin ang Halik, another videoke masterpiece.



O ano ha? Basagan na lang ng lalamunan o?

Saturday, 24 January 2009

Congratulations And Be Prosperous

Yahu!

Mula sa araw na ito hanggang sa Martes next week, wala akong pasok dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year. Ang ibig lang sabihin nun ay apat na araw akong nakatambay sa bahay maliban na lang kung sisipagin akong lumabas at manood ng Dragon Dance sa Chinatown. Pero dahil sa nagtitipid ako ngayon malamang dito na lang ako sa bahay. Linis linis. Nood nood movies. Kain kain. Tulog tulog. Pahinga pahinga. 

Tuwing sasapit ang Chinese New Year ay umuulan ng Tikoy sa Pilipinas. Well, ibahin niyo kami dito. Mas healthy ang approach namin sa CNY. Namimigay kami ng Vitamin C.

Bakit kamo Vitamin C? Ganito kasi yun...

Kahapon sa opisina, binigyan ang bawat alipin empleyado ng isang kahon ng Mandarin Orange. Yup, isang malaking kahon (dimension: 2 dangkal ang length x 1 1/2 dangkal ang width x 1 dangkal ang height) na naglalaman ng 46 piraso ng malalaki, malulusog, at hinog sa katamisang prutas na kahel. Madali itong balatan at talaga namang ubod ng tamis. Iba ito sa nakagisnan kong Sangkis o Pongkan. 


Simula pa kahapon, nang ihatid sa aking selda cubicle ang kahon ay walang tigil ako sa pag-upak ng nasabing bungang kahoy. Kaya naman nagkalat ang mga pinagbalatan sa aking lamesa, pati mga buto ay naliligaw ng landas sa aking keyboard. At dahil sa kasibaan ko, hanggang sa mga oras na ito ay wala pa rin akong tigil sa pagbabalat, paghimay, pag-nguya, pagluwa ng buto, at paglunok ng Mandarin Orange...nasa tabi lang ng keyboard ko ang kahon. taympers muna kuha ulit ako ng isa.


Medyo nahirapan ako kanina pag-uwi ng bahay kasi bitbit ko ang mabigat na kahon na yan habang nasa biyahe. Bigla ko tuloy naaalala ang college days ko, panahon ng Panel Defense kung saan pumapasok ako sa PUP na buhat-buhat ang CPU ng computer ko. PC ko kasi ang ginagamit ng team namin kapag magpe-present ng System Proposal sa masungit kong propesora. Hindi ko kayang bumili ng USB thumb drive o External Hard Disk o laptop, kaya wala akong choice kundi magbuhat ng tower case. Mula Parang hanggang Stop n Shop ay isang mahabang paglalakbay sa siksikang patok na jeep ang kailangan kong pagdaanan. Pero siyempre iba na ang panahon ngayon, may pang-taxi na ako. Dito ko lang naranasan ang kaginhawaan ng pagsakay sa taxi, pwera lang yung mga da moves ni Uncle driver na kapag liliko e liko kung liko at walang menor menor. Napapakapit ako sa estribo.

Kaya kanina, sa pagkainip kakahintay ng bus ay nag-taxi na lang ako. Mula sa opisina malapit sa airport hanggang sa masukal na kagubatan ng Sembawang ibaba ng apartment namin. May kalayuan ang bahay ko mula sa trabaho, kaya ayun umabot ng S$27 (PHP810) ang pamasahe. Ouch. Kaya ayokong nagko-convert sa peso kasi para akong lalagnatin, teka muna kuha ulit ako ng isa pang orange.

Pero alam niyo ba noong nakaraang taon, hongbao o angpaw ang ibinigay sa amin. Natatandaan ko ang laman ay S$20 (PHP600). Mga pitong lunch ng Chicken Rice din yun at may sukli pa. Siguro dahil na rin sa karamihan ng mga kumpanya ngayon ay cost cutting, iilan na lang ang nagbibigay ng angpaw. Lahat talaga ngayon ay nagtitipid. Araw-araw mo ba naman mabasa at marinig ang balita tungkol sa recession, na ultimo ang Punong Ministro ay binawasan ang sweldo by 20%, o ang malamang sa mga susunod na araw ay gagamitin na ng bansa ang cash reserves para lang malampasan ang krisis na ito, sinong hindi mag-aalala? Lalo na kaming mga dayuhan sa lugar na ito na walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ang itatagal. 

Pero ayoko na munang isipin yun. Basta ang alam ko’y ginagawa ko ang trabaho ko ng tama at maayos. Kailangan lang maging handa para sa mga susunod na araw. 

Balik tayo sa Mandarin Orange...

Siyempre hindi lang naman ako ang uubos nito. Napakadamot ko naman pag ganun, bad yun. Kaya bilang simbolo ng prosperity, mas mabuting ibahagi na lang ang biyayang natanggap sa mga housemates. Pero teka muna, sila din pala ay binigyan ng isang kahon ng Mandarin Orange! Nyek para lang kaming nag-exchange gift nito. Kung pwede nga lang ipa-Fedex or LBC ang mga prutas ay ipinadala ko na sana sa Pilipinas, doon sa aking family sa Marikina. Tapos tatawagan ko ang Mama at sasabihin niya sa akin na “’Nak sana cash na lang”. Nyek ulit! Hay buhay manggagawa nga naman...

----------------------------------------------------------------------------

Mula dito sa bansang tambayan ng mga imigrante, nais kong ipaabot sa inyong lahat ang aking pagbati sa paraang nakasanayan ko dito...ang magbroadcast ng mensahe gamit ang apat na pambansang wika:

Happy New Year!

Xin Nian Kuai Le! - chinese

Selamat Tahun Baru! - malay

Eniya Puthandu Nalvazhthukkal (nakakabulol)! - tamil


Congratulations and be prosperous mahal kong Pilipinas!
Make it a good year for cows: Go Vegetarian! – PETA Asia Pacific


O siya kain muna ako ng hapunan (kain na naman?): Nagluto ako ng Carbonara at teysting naging uleng garlic toast.




Thursday, 22 January 2009

J.A.P.A.N.

Ang kwentong inyong mababasa ay hango sa tunay na buhay.

Tumunog ang alarm ng cell phone ko bandang alas siete y media ng umaga. Dahil kulang sa tulog, hindi ko pa magawang iwanan ang kama ko kaya’t nanatili akong nakahilata at nakayakap sa bolster, nakapikit pa rin ang mga nagmumutang mata habang bumubulong ng “payb minits pa”. Para akong nakikipagtawaran sa orasan dahil nasundan pa ito ng “tri minits” at hanggang sa “last na lang, tu minits”. Tulad ng sa mga nakalipas na gabi, heto na naman ako; puyat, kulang sa tulog at ngarag. Kahit ang paglalagay ng Vicks Vaporub malapit sa mata at butas ng ilong ay hindi na nakakatulong para antukin ako gabi-gabi. Inaabot pa rin ako ng alas tres ng umaga bago tuluyang sumuko ang mga mata at katawan ko.

Dahil na rin sa pangungulit ng cell phone alarm na walang tigil sa pagpapatugtog ng kanta ni Timbaland na Bounce (kasama sa OST ng Step Up 2), nagpasya na akong bumangon at maghanda na sa pagpasok sa trabaho. Kape agad ang unang pumasok sa kukote ko. Gusto kong humigop ng mainit na Nescafe 3 in 1 bago maligo.

Nang patigilin ko ang pambubulabog ni Timbaland, napansin kong may nagpadala pala sa akin ng text message. Si Eloisa, isa sa mga housemates ko. Agad kong binuksan ang inbox, pinindot ang ‘Open’ at binasa ang mensahe niya:

“Eben nananaginip ka? Nambubulahaw ka e.”

Noong mga oras na yon ay nasa biyahe na siya papunta sa kanyang opisina. Ako na lang ang naiwan sa bahay.

Sa una’y hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin sa akin. Kasi naman, kung nanaginip man ako, hindi ko masasagot ang text message niya. Naturalmente abala ako sa pananaginip. Hindi ko na rin maalala kung may napanaginipan nga ako nung araw na yun.

Hindi ko rin mawari kung bakit nya nasabing nambubulahaw ako. Ano ba ang ginawa ko?

Nagpatuloy na ako sa paggagayak; humigop ng kape, naligo, nagsepilyo, nag-ahit at nagbihis. Matapos ang apatnapu’t limang minuto ay umalis na ako ng bahay at naglakad papunta sa istasyon ng tren. Makalipas ang isang oras ay narating ko na ang opisina.

---Fast forward---

Kinagabihan, pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Eloisa sa salas. Nakatapak siya sa timbangan, nakayuko ang ulong sinisipat-sipat ang metro, inaalam kung gaano na siya kabigat. Sa pagkakayuko ay natakpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha...parang si Sadako lang.

“Uy Eloisa”, bungad na pagbati ko sa kanya.

“O Eben, nandyan ka na pala. ”, inalis ang mga paa mula sa pagkakatapak sa timbangan. “Natanggap mo text ko kanina?”, tanong niya sa akin habang hinahawi ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha.

“Oo. Bakit mo nga ba natanong kung nananaginip ako? Nakakabulahaw ba yung alarm ko kanina?”, tugon ko sa kanya. Naghubad ako ng sapatos at medyas pagkatapos ay inilagay sa tukador ng mga pangyapak. Sinuot ang tsinelas ko na waring kanina pa naghihintay sa aking pag-uwi.

“Ano ka ba? Kinakatok kita kanina kasi naririnig kitang sumisigaw. Bandang 6:30, sabi ko ’naku parang binabangungot yata si Ben’. Papasok sana ako sa loob ng kwarto mo para gisingin ka kaso naka-lock naman ang pinto. Kumakatok ako pero di mo naririnig.”, kuwento niya sa akin.

“Ah...ganun ba. Pero wala naman ako maalala.”, yun ang tanging naisagot ko sa kanya. Nasurpresa ako sa mga narinig ko.

Binabangungot. Yun pala ang nangyari sa akin kanina. Malalim pa naman ako matulog, hindi ako basta basta magigising kaya palaging naka-todo lakas ang cell phone alarm ko. Naaalala ko noon sa Pilipinas, ang boses ng Nanay ko ang gigising sa akin sa umaga. Hindi ako magigising sa boses ng mga kapatid ko o ng tatay ko. Ganun nga yata kapag bungangera si Nanay, alam na alam mong boses nya yung kumakalampag sa apat na sulok ng bahay. Pero kahit na ganun, mahal ko ang Nanay ko. Naks bumawi .

Dahil mag-isa lang akong natutulog sa kwarto ay walang sasampal, magbubuhos ng malamig na tubig, kakalampag ng kaldero o magpapasabog ng granada para isalba ako mula sa isang bangungot. Mabuti na lang talaga at nagising ako. Salamat kay Timbaland.

“Ayan kasi, dapat talaga bago ka matulog, magpe-pray ka.”, sabi ni Jheng, isa din sa mga housemates ko. Nakikinig pala siya sa usapan namin ni Eloisa. Hindi namin agad napansin ang presensya niya sa salas dahil may kakapusan siya sa katangkaran. “Saka, tigilan mo na nga yung kakasabi sa akin na hanggang edad trenta y singko lang ang itatagal ng buhay mo. Nagloloko ka, ayan nagkatotoo. Mas prone kayong mga lalake sa bangungot. Umayos ka nga! ”, dagdag na sermon pa niya sa akin. Parang nanay lang na nakadaster at hitik sa rollers ang ulo.

“Always remember, J.A.P.A.N.”, paalala ni Jheng sa akin. Parang si Ka Ernie Baron na nagsasabing “Kung walang knowledge, walang power.”

“Haaay”, napabuntong hininga na lang ako. Ilang beses ko na bang nakasalamuha ang akronim na ito? Kasabayan pa ng I.T.A.L.Y. noong mga panahong nasa elementary pa lang ako at naglalaro ng moro-moro, sepak takraw, sipa at sumasagot ng islambook.

“Eh? J.A.P.A.N.? Ano yun?”, nagugulumihanang tanong ni Eloisa.


-------------------------------------------------------------------

Just
Always
Pray
At
Night


Noong batang yagit pa lang ako, aktibo ako sa mga gawain ng simbahan namin. Batang laki sa Sunday School. Kumakabisado ng mga bersikulo ng Biblia. Kumakanta at sumasayaw sa saliw ng mga awitin ni Don Moen. Wala pang Hill Song noon at hindi pa kilala si Chris Tomlin. Inosente pa ako. Maningas ang spiritwalidad. Madasaling bata.

Ngayon, hindi ko na maalala kung kailan ako huling nanalangin bago matulog. Kung kailan ako huling dumalo ng linggong pagsamba o kung kailan ako nagkaroon ng taimtimang pakikisalamuha sa Kanya. Sa sobrang abala ko sa maraming bagay, tanggap lang ako ng tanggap ng biyaya. Nakalimutan kong magpasalamat, humingi ng paggabay at magsumamo ng pagpapatawad.

Sa mga sumunod pang mga gabi, nananalangin na ako bago matulog. Magmula noon, hindi na ako binangungot pa.

Siya nga pala, gusto ko lang linawin na wala akong balak mag-host ng 700 Club Asia o kaya naman ay gayahin si Pat Robertson. Sabihin na lamang natin na ang pakikipag-usap ko sa Kanya ay hindi nasasaklaw ng isang partikular na sekta o denominasyon. Bagkus ay tumutukoy sa personal na bahagi ng aking sarili. Sa pagitan ko at ng kinikilala kong May Likha.

Tuesday, 13 January 2009

Attacks


HEART

Yesterday I received an SMS from my mother. She told me that Tita Solly, my mother's youngest sister, was rushed to the Philippine Heart Center. I was shocked by the news because it was just this December of last year that I went back home and spent Christmas with them and I didn’t saw her feeling ill. There was no sign at all...nothing.

Mom told me that my Tita is suffering from Congenital Heart Disease.

Her doctor suggests that a device be put in her chest that will help restore circulation back to normal. I just hope that with this operation she’ll be better. I wish you well my favorite Tita...


GAS

I’m back to reading books again and for starters, I’m reading Haruki Murakami’s Underground. It’s about the 1995 sarin gas attack on the Tokyo subway that was carried out by Aum Shinrikyo, a Japanese religious movement founded by Shoko Asahara. The book is a collection of interviews of 60 victims and 8 Aum members as conducted by Murakami himself. A detailed description of how the sarin attacks were carried out is also in the book.

Sarin or GB is an extremely toxic substance that targets the nervous system. A tiny drop of sarin can be fatal. After initial exposure to sarin a victim might experience running nose, chest pain and constriction of the pupils.

Now every morning, I always take the MRT to go to my workplace. Well, I know that Singapore is a safe city, but we really can’t be sure of when and where a terror attack might strike. Sometimes I can’t help but imagine what if something like this, God forbid, happens here? I really hope not. That’s why the authorities here are always reminding the people to be alert; actually here the MRT stations are filled with TV monitors broadcasting such reminders showing photo montage of previous terror attacks on other countries’ subway system.

As a matter of fact, it is a normal feat in the MRT stations and trains to hear a P.A. announcement that says “Attention all passengers, if you see any suspicious looking person or article, please inform our staff or press the emergency communication button located at the sides of the train doors”. This message is translated in three languages – Malay, Mandarin and Tamil.


PIMPLE

As of 2.30AM today, I have 4 pimples greeting me in front of the mirror. One in my forehead, two near my left nostril, and one near my right sideburn. Hmm, someone’s thinking about me? Haha.

This is the first time that I’m having this pimple breakout. I hope it won’t last that long because I can’t stand it when people stares at me because there’s a foreign object happily settled on my face. Too bad there’s no PanOxyl here, maybe I’ll just leave my pimples be and let them fade a natural fading instead of forcing them to pop out.

From now on I’ll drink lots of water, discipline myself not to eat too much fatty foods and will try to sleep early (err... but not tonight, tomorrow night maybe *^__^* ).

Sunday, 11 January 2009

Pimp my Blog


The Esplanade
Photo taken last January 9 '08


Changes done:
1. Changed Background Color from #000000 to #002E3F
2. Blog Title Color was changed from #ffffff to #99C9FF
3. Dropped the old Blog Description
4. Added new blogs in my blog roll, Blogger Icon now included.
5. Font was changed from Trebuchet to Verdana
6. Font color was changed to shades of blue. (plus white)
6. Dropped the collapsible Blog Archive.
7. Proudly Pinoy seal was moved to the left.
8. No more comment moderation.
9. A new music player care of MyFlashFetish.com (Actually I got the idea from gillboard's blog ^_^ )
10. New profile picture is now up. (photo taken last January 9, 2008 @ the Merlion Park)

--------------------------------------

Well, that's just about it. Starting today my blog reopens with a new look. Although it's just a simple makeover, I feel contended still since it's been a while thatI did something to personalize my page. However there's still one thing that I need to do, but I find difficult to accomplish - writing a blog description. I'm thinking of what to put in my About Me section and as of this writing, I have no luck...blangko pa rin ang utak ko.

Kung "Judge Me" na lang kaya? ^_^

Anyway, I hope this year as I change my blog's look and feel, my perception about life, love and career will also change. Looking forward to less emo moments (although it's inevitable hehe) and more of happy episodes. For the coming days/weeks/months, as I continue to weave the story of my ordinary life, something extraordinary will transpire. I'll continue completing my puzzle and will keep on moving forward.

The little speck is rising.

Friday, 9 January 2009

Dapit Hapon


photo taken last December 17, 2008. Manila Bay

Hagkan mo ang dagat sa kanluran
At magkubli sa kailaliman
Habang ako'y nagpapaalam
Sa timyas ng iyong kagandahan.

Salamat sa liwanag na dulot mo,
Naging ilawan ng mga paa ko.
Bagama't ang lahat ay magiging anino,
Sa unti-unting paglisan mo.

Gayunpaman...
Bukas na lamang ako malulungkot
Mamahalin na lamang muna kita,
Sa ngayon...

Tuesday, 6 January 2009

Tinapay at Mantikilya

Nakatunganga lang ako sa trabaho ngayon. Unang-una, wala naman kasing gagawin,
natapos ko na. Hinihintay ko na lang yung mga susunod na ipapagawa para sa project namin. Wala ang boss ko, kaya walang makapagbigay sa akin ng bagong tasks. Kaya naman heto, bisibisihan ako, nagbabasa ng program code. Nagsusulat ng blog.


Isa akong Software Engineer, Maintenance/Support and Enhancement staff para sa isang airline company.

Sa trabaho kong ito, ang tanging gagawin ko lang e intindihin ang logic ng ibang programmer, unawain mabuti bakit ganito o bakit ganyan, paano gumagana ito, anong mangyayari kapag binago mo ang isang bahagi ng sistema, gaano kalaki ang impact nito sa kabuuan. Kailangan ko rin sagutin ang mga inquiry ng mga tauhan sa airline kapag nakaka-encounter sila ng problema sa paggamit ng sistema. Dapat mahanap ko ang ugat ng problema at makapagbigay ng kaukulang solusyon. Nosebleed kung nosebleed sa pakikipag-usap sa telepono at e-mail.

Mag-isa lang ako sa trabahong ito. Isipin mo na lang, limang programmer na may kanya kanyang estilo ng pagsusulat ng code at kanya kanyang logic na dapat kong maintindihan. Yung limang programmer na yun, naging isa na lang at ako yun. Sa totoo lang dito sa project namin, ang dami nilang iniwang problema. Karamihan undocumented yung bugs at kulang sa handover materials, kaya halos lahat kailangan ko kapain para lang maintindihan. Sa awa ng mahabaging langit, hindi pa naman ako pumapalpak at sana magtuloy-tuloy.

Mag-isa lang din ako kumakain kapag lunchtime. Yung mga lamesa sa canteen pang-anim na tao, limang upuan ang palaging bakante kapag kumakain ako. Hindi ko naman nakakasabay ang boss ko kasi hindi kaya ng tiyan ko yung kumain pasado ala una na ng hapon, baka bumalik ang ulcer ko. Kaya para libangin ang sarili ko, tinitignan ko na lang yung mga taong nakakasabay kong kumain na nasa kabilang mga lamesa. Mga de-kurbatang executives at yuppies, cabin crew, mga naka todo makeup at nakapusod ang buhok na flight attendants at mga nagte-training na piloto. Ang pinoy minsan may pagka pintasero, inookray ko kahit na yung pinakamaliit na bagay na mapupuna ko sa kanila. Pinapatawa ko lang ang sarili ko.

Pagkatapos ng labinlimang minuto, alis na ko ng canteen at punta na sa lobby. Binibisita yung museum ng airline, nagbabasa ng kanilang aviation history at evolution ng uniform ng mga piloto at flight attendants. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses ko ng nabasa yun. Well, nililibang ko lang ang sarili ko.

Nagi-guilty ako minsan. Kasi kapag umaabot ako sa puntong napapagod na ‘ko bigla ko na lang naiisip na ayoko nang gawin ‘to, na nagsasawa na ‘ko. Pero kapag nakikita kong may nagagawa ako para sa iba, na nakakatulong ako sa parents ko at sa mga kapatid ko, na kahit papaano may naibibili ako para sa sarili ko mula sa sweldo ko, gusto ko pa rin magpatuloy. Hinahanap-hanap ko pa rin yung tunog ng pagtipa ng letra sa keyboard, yung pagdidisenyo ng user interface, yung pagsusulat ng program code, yung pagbabasa ng code ng iba, yung alam kong may naibabahagi ako at may natutunan akong bagong karanasan. Maisulat ko lang yung pangalan ko as “/** This code is written by Eben */”, masaya na ko, proud pa rin ako sa trabaho ko kahit na mahirap at kadalasan, malungkot.

Saturday, 3 January 2009

Malaysia Trip 2007

Bakit ba hindi ko naisip ipost ito noon pa? LOL

Anyway, last December 2007 nagpunta kami ng mga housemates ko sa Malaysia, partikular na sa Kuala Lumpur at Genting Highlands. Tatlong araw din kaming nagtagal dun at talagang nag-enjoy kami kahit na halos maligaw kami sa dami ng MRT lines, abusuhin ng mga abusadong taxi drivers, at mahirapan sa pakikipag-usap ng inggles sa mga lokal.

New found words:
Selamat Datang - Welcome
Terima Kasih - Thank You
Sama-sama - You're welcome (answering "Terima Kasih")
Selamat Pagi - Good Morning
Selamat Jalan - Good bye




Day 1: Morning - Naglibot around KL.

First glimpse of the Petronas Towers and Suria KLCC mall, visited the Batu Caves and Masjid Negara (National Mosque). Napagod din kami kakahanap ng mabibilhan ng bus ticket pabalik ng Singapore. Nahirapan kami makahanap kasi halos lahat ng mapuntahan namin na bus line e fully booked na. Good thing may nakita kami yun nga lang hindi siya direct route to Singapore. May stop over muna sa Johor Bahru, then lipat ulit ng bus papasok ng Singapore.












Day 1: Afternoon - Batu Caves, a Hindu Shrine.

Nakita namin yung statue ni Hindu diety Murugan, standing at 42.7 meters. Just behind the statue is a stairway going to the cave where you can find more Hindu shrines. Kailangan mo akyatin yung 272 steps na yun para marating yung cave. I was expecting to see some Crab-eating macaque's kasi marami daw nun sa cave, pero wala naman ako nakita.



Day 2 - Genting Higlands!

Sobrang nag-enjoy talaga kami dito. Ito daw yung tinatawag nilang Las Vegas of Malaysia kasi aside from hotels at theme parks, may casino din dito. Exciting yung cable car ride namin paakyat dun kasi di namin akalain na sobrang taas pala nun. Para kang umaakyat ng Baguio via cable car. Malamig din doon (hindi tataas ng 25C) at halos puro ulap ang matatanaw mo. Sumakay kami sa mga rides, na yung iba ay kaparehas ng makikita mo sa Enchanted Kingdom. Yung Corkscrew at Flying Coaster ang hindi ko sinubukan kasi ayoko pang mamatay. Haha!

Yung last two pictures, pababa na kami nyan sakay ng cable car bandang hapon na, zero visibility sa kapal ng fog.



Day 3: Morning - Petronas Tower Skybridge.

Gumising kami ng maaga para makipagsiksikan sa dami ng taong nakapila para kumuha ng ticket paakyat ng Petronas Skybridge. By batch kasi ang pag-akyat dun at may specific na time ka lang pwedeng umakyat. Ang nakuha naming ticket ay yung para sa 12:15pm na trip. Naglibut-libot muna kami sa paligid ng mall at nag-kape sa Starbucks tapos balik ulit sa pila bandang 12pm. Pinasakay kami ng elevator at sa loob lang ng 10 seconds ay nasa 41st floor na kami kung saan nandoon ang skybridge. Doon nalaman namin may 2 palapag pala ang skybridge. Yung lower deck ng bridge ay para sa mga turista at yung upper deck naman ay para sa mga nag-oopisina sa Petronas. Tanaw ang buong KL, yung mga skyscrapers sa paligid ng Petronas ay nagmistulang mga scale model lang. Nang matapos yung skybridge trip, pinuntahan namin yung Kedai Menara Kembar PETRONAS (Petronas Twin Towers Gift Shop), bumili ako ng mga key chains at Ref magnets.




Day 3: Afternoon - Berjaya Time Square.

Ito daw yung pinakamalaking shopping center sa Malaysia. Aside sa mall, meron din ditong hotels, offices at indoor theme park. Dito puro window shopping lang ang ginawa namin hanggang sa makita namin ang sale ng Samuel & Kevin kaya ayun, bumili ako ng t-shirts. Nung marating namin yung indoor theme park, nakaagaw ng pansin namin yung napakakumplikadong riles ng roller coaster na nakapaligid sa buong theme park. Nung una akala namin, design lang or props, kasi maliban sa puro ikot, masyadong matarik yung karamihan sa mga loop nung riles. Nagulat na lang kami nang biglang may mga nagsisigaw na mga taong nakasakay sa rollercoaster coach. Pinanood namin sila habang hinahalukay ang mga bituka nila sa bawat pag sirko sa roller coaster. Pagkatapos nun, napagtanto kong mahal ko pa ang buhay ko, kaya hindi ko na binalak sumakay pa.




Day 3: Evening - Eye on Malaysia.

Patapos na ang KL trip namin. Huling pinuntahan namin ang Eye on Malaysia. Matatagpuan ito sa Titiwangsa Lake Garden, KL. Sa nabasa ko, ang London Eye daw ang inspirasyon kung bakit ginawa ang Eye on Malaysia. May taas na 60 meters at binubuo ng 42 gondolas. Pagsakay dito, tulad ng sa Singapore Flyer, matatanaw mo in 360 degree panoramic view ang kalakhaang Kuala Lumpur. Ang ride ay tumatagal ng 12 minutes, mas matagal pa ang pag-aantay namin sa pila. kung tutuusin Sa ngayon daw ay inilipat na ang Eye on Malaysia sa Malacca.