Sunday, 20 September 2009

Memorare


"At ihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo"



Malalim na ang gabi. Nakaupo tayo sa isang bench. Isang bench sa labas ng Starbucks. Sa Starbucks branch doon sa Merlion Park. Nakatingin tayo sa malayo. Nakaharap sa Marina bay kung saan tanaw ang Esplanade, Singapore Flyer at ang ginagawang Integrated Resort and Casino. Nagkukuwentuhan tayo tungkol sa maraming bagay, nagtatawanan, nagbobolahan habang hinahalo ang cream ng ating Java Chip Frappucino gamit ang straw. Yun ang unang beses kong nakatikim ng Frappucino. Hindi naman kasi ako mahilig sa Starbucks. Nung mga oras na yun, ayoko na umuwi ng bahay. Gusto kong umupo lang sa bench at hintayin ang pagsikat ang araw. Dahil pakiramdam ko, nasa tamang lugar ako. Wala na akong hahanapin pa. Wala nang mahihiling pa...
************************
Nang makarating tayo sa Merlion Park, tumambay tayo dun sa jetty. Doon ang paboritong spot ng mga turista kasi kitang kita nila ang estatwa ni Merlion. Nagbubuga ng tubig non-stop 24/7. Doon sila nagpapa-picture. Kanya-kanyang gimik. Kanya-kanyang puwesto. Isang halimbawa ay yung kunwaring nakanganga at iniinom ang tubig na lumalabas sa bibig ng estatwa. Pero tayo, walang litratong magkasama. Iniwan ko kasi sa bahay si Candice. Mas pinili natin na tanawin na lang ang mga naglalakihang gusali sa likod ni Merlion, mamangha sa ganda ng mga ilaw ng business district, pakinggan ang lagaslas ng tubig, habang nagpapahinga ang iyong kamay sa aking balikat. Hanggang sa maisipan nating mag-kape...
************************
Dinner time na. This was my first dinner date. Kumain ako ng tomyam, ikaw naman beef noodles. Gusto mong subukan ang tomyam kaya nagshare tayo ng pagkain. Nagkukuwentuhan tayo habang kumakain, walang pakielam sa ingay ng maraming tao doon sa loob ng restaurant. Marami tayong napag-usapan; mga bagay-bagay at buhay-buhay. Nang mabusog tayo, naisipan nating maglakad-lakad. Nagpunta tayo sa Suntec City Mall at nag window shopping. Pagkatapos ay tumambay sa Merlion Park.
************************
Sa paglalakad natin, ilang beses din nagtama ang ating mga braso at siko. At sa tuwing mangyayari yon, pareho tayong nakakaramdam ng tila static electricity. Hindi ko rin maipaliwanag pero talagang may kuryente. Ito na ba yung attraction na tinatawag? May "electrical" manifestation?
"Tara kain tayo"
"Sure, pero 'wag sa fine dining ha?"
************************
Nakaupo ka sa hagdan, hinihintay mo ang paglabas ko mula sa istasyon ng tren. Ang aga mong dumating sa meeting place natin! Alas siete ang usapan pero alas singko pa lang nandoon ka na. Hindi naman halatang excited no? Nang makalabas ako ng istasyon, lumapit ako sayo. Ikaw lang ang nakikita ko. Slow motion ang lahat. Umupo ako sa tabi mo, at pagkatapos ng ilang sandali ay sabay tayong naglakad...
************************
"Minsan di ko maiwasang isipin ka
Lalo na sa t'wing nag iisa
Ano na kayang balita sayo
Naiisip mo rin kaya ako"



Sa huli, alam kong hindi ka maaaring magtagal. Kailangan mong umalis. May oportunidad na naghihintay sayo, pero hindi dito. Alam natin pareho, nararamdaman natin pareho, gustuhin man natin, pero hindi ito ang tamang panahon.
Hindi ngayon.
Thank you for that blissful evening. Napagtanto ko na marunong pa rin akong makaramdam.
Nakakaramdam pa rin ang robot.


3 comments:

iriz said...

omg...who is she? *hyperventilated*.

Danieru said...

uyyy.. inlab si eben :D

kwento!

Jinjiruks said...

hayz eben. kung nde ngaun ang panahon. kelan pa?