Saturday, 20 June 2009

Anong nangyari sa akin? Quick 5!


1. I lost my DSLR battery charger, tuloy ngayon hindi kami makapag-photowalk ni Candice. Nakakalungkot. Para akong namatayan, hindi naman ako makabili agad kasi maraming pinagkagastusan ngayong buwan. I miss taking photographs.

2. Naging abala ako sa paghahanap ng bagong bahay na malilipatan. Tapos na kasi ang kontrata namin sa tinutuluyan naming bahay. Matapos ang tatlong linggong pag-galugad sa mga apartment buildings, nakakita na rin kami. Sa susunod na buwan ay bagong bahay – bagong buhay na kami.

3. Kailangan ko ang tulong ninyo. May sisimulan akong project para naman sipagin akong kumuha ng litrato. Sa project na ito, araw araw akong magpopost ng larawan na ayon sa isang tema. Ang balak ko ay magsimula ng isang “alphabet” theme kung saan ang subject o topic ng larawan ay nagsisimula sa letter ng alphabet. Halimbawa, Day#1: A for Apple, Day#2: B for Banana...and so on. Kapag nag-iwan kayo ng komento ay pakilagay na rin ang mga suggested topics/words ninyo from A to Z. Bilang pasasalamat, ilalagay ko sa larawan ang pangalan ng kung sino man ang nagbigay ng topic/word for the day.

4. Maliban sa photography at bikram yoga, may dadagdag na sa pagiging abala ko tuwing weekend. May sinalihan akong chorale group at tuwing sabado ay may apat na oras kami para mag-ensayo. Matagal na rin akong hindi nakakanta sa choir kaya medyo nangangapa ulit ako ngayon, pero alam kong kakayanin ko ito. Inilagay ako sa Tenor 2 kaya goodluck na lang talaga sa akin! Marami na kaming naka-lineup na kanta at pinaghahandaan na rin namin ang mga gagawing events sa darating na Pasko.

5. Excited na ako dahil sa susunod na buwan ay uuwi ako ng Pilipinas. Ayos lang kahit na isang linggo lang ang ilalagi ko doon, ang importante ay makakauwi ako at makakapag celebrate ng birthday kasama ang mga kaibigan at pamilya.



Well, I guess I’m okay. Hindi sobrang masaya at hindi rin naman malungkot. Basta ang alam ko, maraming “bago” na dumarating sa akin ngayon at excited na akong subukan ang mga ito.

Ayun lang muna sa ngayon...pasensya na kung barubal ang post na 'to. Gusto ko lang kasi patungan yung luma kong post. hahaha!

Sa mga palaging bumibisita sa blog ko ... terimah kasi! (Thank You!)

Bye for now!

11 comments:

Chyng said...

Wow, may update!
Sumali ka pala sa flickr group, ok yang A-Z ha. (mejo may idea lang ako kasi enrico joined some of the groups there too)

abangan ko photo's mo!

Jinjiruks said...

halleluja! may bagong post si eben! naks bertdey pala ang paguwi eh. natutuwa naman ako para sa iyo maraming malalaking pagbabago ang mangyayari. excited na rin ako!

regarding sa alphabet geh isip muna ako mamaya then comment na lang ako. maganda sana may category para uniform!

gillboard said...

welcome back!!! tagal mo ring nawala ah... siguro naman sa pagbalik mo.. meron ka nang pasalubong samin?

MkSurf8 said...

adbans hapi bertdey! invite mo kami pag mag concert kayo ha

The Itinerant said...

we're waiting! :)

john stanley said...

uuwi ka pala ng 'pinas?

wow, photowalk, photowalk! invite daw ni conan si candice mo at si cj ang model-modelan. =)

Turismoboi said...

hey pde ako zubject za c k p at t mo hahahhaa!

Eben said...

@Chyng - Marami na rin ako nasalihan na group sa flickr.. although madalang na lang ako magpost ng photos dun ngayon. :D

@Jin - Intayin ko word suggestions mo ha ;)

@gillboard - ano gusto mo pasalubong?

@MkSurf8 - Thank you! Sige invite kita 'pag sa Esplanade ang venue (ambisyoso lang lol)

@Vince - :D

@john stanley - Sure! photowalk tayo!

@CJ - at ano naman yang C, K, P at T mo?

iriz said...

sobrang hectic ata sked mo friend a.
creative photo blogging, can't wait for your post! Glad to know maraming bago sa 'yo ngaun. see you soon!

Doc Mike said...

Advance happy beerday! hmmm, sabay kaya tayong pinanganak? hehehe.

Eben said...

@friendship - mag-suggest ka naman..hehehe
see you very very soon!

@doc mike - hmmm.. 23 ako pinanganak. kailan ikaw? hehehe.