Wednesday, 6 May 2009

The End

"And in the end
The love you take
Is equal to the love you make."
- The End, The Beatles

Isang masakit na paraan upang magising
Mula sa tila langit na panaginip,
Ay ang bangungutin kung kailan 'di ka handa,
Na bumalik sa ulirat ng katotohanang
Naghihintay ka lamang sa wala.

Si Bro, may mga birong 'di nakakatuwa.
Dahil nang minsan akong humingi ng senyales,
Ang ibinaba niya mula sa langit ay punyal.
Na siyang bumaon sa aking dibdib,
At nag-iwan ng lamat sa aking pagkatao.

Gayunpaman, maraming salamat na rin.
Dahil mula nang bunutin mo ang patalim,
Ay naging malinaw na ang lahat sa akin,
Nasagot na ang mga katanungan,
At nabuo na ang malaking palaisipan.

Sa isinisigaw ng iyong mga kilos,
At sa kung paano ka nagbitiw ng mga salita,
Kung saan mo ako sinukat at hinusgahan,
Lahat ay sapat na para masambit ko,
"Hanggang dito na lang. Tapos na."


--------------------------------


To blog or not to blog, that is the question...

13 comments:

gillboard said...

to blog!!! that is the answer ;)

Chyng said...

^
same answer!

Turismoboi said...

doint blog about it ang kulit naman nito

it ill complicate thingz hay!

Bradpetehoops said...

Pinoy blog , astig!

PUSANG-gala said...

this is a big decision--- I hope you are ready for it....it pains me to know that something good is about to end.... hope things will be better soon....

danieru said...

kailangan pa bang imemorize yan...

to blog!!!!

(share mo sa kin...)

Jinjiruks said...

hay naku eben. wag ka nga makigaya dyan sa iba na bigla nalang nagsasara ng blog. nabasa mo naman entry ni CJ dba. gawin mong therapy ang blog sa iyong mga problema. andito naman kami para damayan ka.

Reena said...

to blog!...

plus you have to sing a song pa...
please sing the song by John Mayer entitled "dreaming with a broken heart." it's an allusion to the poem/lyrics on your post.

the donG said...

definitely to blog.

lalim pa naman ng pinagagagalingan ng post na to.

ALiNe said...

syempre naman to blog

iriz said...

uhum.
san ako?
ay page mo pala friend!

"Dahil nang minsan akong humingi ng senyales"

minsan humingi rin ako nian! mali ko ang alam ko lang sign No U-Turn! Tsk.

Well written poem.

To blog!

MkSurf8 said...

blog blog blog

dito lang kami pag kelangan mo ng kadamay.

wanderingcommuter said...

definitely, to blog. kung nahihirapan ka ngayon the best thing to do is to blog it para marelease mo. mahirap yung kinikimkim..

been there done that!