Friday, 3 April 2009

Nini Strikes Again

Para sa unang segment ni Nini, click here.

Sa salas ay nanood ng telebisyon si Mama, si pinsan at si Nini. Pinapalabas ang live report tungkol sa pagkamatay ni Master Rapper Francis Magalona at ipinapakita sa balita na nagpunta si Tony Rose Gaida sa Medical City upang bisitahin ang naulilang pamilya Magalona. Nang biglang humirit si Nini na seryosong seryoso sa panonood,

"Alam niyo ba? Yang si Tony Rose...yan ang Nanay ni Donita Rose!"

Yung pinsan ko hagalpak sa pagtawa. Si Mama naman nasira ang pag-emote. Humirit pa ulit si Nini na animo’y clueless sa naging reaksyon nung dalawa,

"Eh bakit parehas na “Rose” ang apelyido nila?"

Aba oo nga naman.


------------------------------------------


Nitong nakaraang Linggo, abala sila sa bahay dahil sa darating na Martes ay graduation na ni Nini (Thank you Lord!). Ibinili siya ni Mama ng bagong damit at sapatos na siyang isusuot niya sa dance party pagkatapos ng graduation rites. Bumili din ng pang-kolorete sa mukha at kuko. Hobby kasi ni Nini ang mag-cutix. Kwento nga ni Mama every week daw ay nagpapalit ito ng pintura sa kuko. As in ganun siya kung magligalig pagdating sa cosmetology.

At bilang bahagi ng paghahanda para sa Big Event ay ang pag-ayos ng kilay ni Nini (pareho kaming makapal ang kilay). Siyempre bilang butihing ilaw ng tahanan, tinulungan siya ni Mama para bunutin ang mga sobrang kilay. Virgin eyebrows ang drama ni Nini, kaya naman mayroon siyang isang special request kay Mama:

"Mama, huwag mo masyadong kakapalan ha!"

‘Nakngteteng binubunot nga eh!


------------------------------------------


Hindi namin alam kung naka-apekto ba ang mga ininom nyang gamot noon kung kaya’t naging “comedian” si Nini. Nagkaroon kasi siya ng Bronchial Asthma noong two years old pa lamang siya. Labis kaming nag-alala noon dahil nag 50:50 ang kapatid ko, siya pa naman ang kaisa-isang kapatid kong babae noon (hindi pa na-procreate si Tintin) kaya naman lahat ng paraan ay ginawa ng aking mga magulang para mapabuti ang kanyang kalusugan at tuluyan siyang gumaling. Sa awa ni Bro ay nawala ang Bronchial Asthma ni Nini pero lingid sa kaalaman namin ay may “catch” pala yun...siya ay naging bright child.


------------------------------------------


Dear Utol,

Congratulations! Grabe mas matangkad ka pa sa akin, pwedeng pwede talaga kitang isali sa Binibining Pilipinas...Janina San Miguel in the making!

Seryoso, tandaan mong ang buhay kolehiyo ay iba sa buhay hayskul. May adjustment stage yan pero alam kong kakayanin mo. Sa ngayon, “cute” pa yung pagiging likas na komikera mo, pero hindi natin masasasabi kung bebenta din ba yan sa mga magiging propesor mo sa unibersidad. Kaya umayos ka ha...gampanan mong mabuti ang pagiging Ate sa bunsong kapatid natin na si Tintin.

Goodluck sa college life, enjoy every moment of it. Huwag kang tumulad sa akin.

Mahal ka ni Kuya.


P.S.

Ingatang mabuti ang gitara, magja-jamming pa tayo pag-uwi ko.

10 comments:

MkSurf8 said...

congrats kay Nini. at congrats din kay Kuya Eben!

Chyng said...

Hehe, funny sister si Nini Rose!
Guide her sa college life nya.

iriz said...

ang sweet naman ni kuya e.
congrats kay nini.
yun yung pinakanakakatawa e, yung hindi mo alam nagpapatawa ka na.LOL.

i wish her goodluck at sayo din friend bilang butihing financier. hehe.

Eben said...

@MkSurf8
talagang pati ako may congratulations din? haha!

@Chyng
Sure I will. :)

@iriz
natawa ako dun sa 'financier'. LOL

gillboard said...

awww... sana may kapatid din ako...

wanderingcommuter said...

i so love nini's character.. hahaha

feeling ko magkakasundo kami.

sige, pagbalik mo message mo ako itour kita sa up. libre na ang talent fee, basta ikaw sagot sa pagkain. nyahahaha!!!

ALiNe said...

Ang kulit ni nini :)

Dagger Deeds said...

"Alam niyo ba? Yang si Tony Rose...yan ang Nanay ni Donita Rose"

Natawa talaga ako dito...

the donG said...

kakatuwa naman ng kuya. talagang alagang alaga at sobrang pasensyoso.

good luck kay nini. ano pala kukunin nya?

Eben said...

@ALiNe
nakakapraning ang kakulitan. hahaha!

@Dagger Deeds
diyan din ako napatawa ng malakas.

@the donG
kukuha siya ng Tourism.

siguro ngayong college na siya, babawasan ko na ang pagiging (over)protective. hehehe.