Tuesday, 7 April 2009

Ilaw

Two years ago, dinala sa ospital ang Nanay noong magkaroon siya ng mild stroke. Kausap ko siya noon sa telepono, mistulang nagbe-baby talk, paralisado ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan,


“Anak itong Tatay mo, papatayin talaga ako…”

“Eh kasi naman Ma, bakit kayo kumain ng alimango na dala ni Tatay?”

“Ang sarap eh..”


Tama ka kung inisiip mong isa siyang Nanay na pasaway, makulit at matigas ang ulo. Ang katwiran palagi, may gamot naman pang-maintenance kaya ayos lang na kumain ng masarap tulad ng aligi. Matapos ang aking sermon pangangamusta, naging maingat na siya sa kanyang kinakain.

-------------------

Hindi lang siya Nanay kundi barkada din na maituturing. Sa katunayan, normal na lang sa amin ang mga ganitong kwentuhan,



“Anak kailan mo ba ako dadalhin diyan?”

“Ma, bawal ang may high blood dito, hinaharang sa Immigration.”

“Naku paano na ‘ko?”

Marahil sa kanya ko din namana ang pagiging gullible.


-------------------

Good listener din ang Nanay. Gusto niyo ba ng ebidensya? Click here.

-------------------

Kapag naman gusto naming magkakapatid na maglambing sa kanya a.k.a. may kailangan kami, aba dapat alerto beinte kwatro ka kapag nagsimula siyang magsalita ng alinman sa mga sumusunod,


“Anak ipaglatag mo na ako ng higaan, inaantok na ‘ko.”

“Anak bunutan mo nga ako ng puting buhok.”

“Anak bunutan mo nga ako ng buhok sa kili-kili.”

“Anak masakit ang paa ko, imasahe mo naman.”

“Anak ang kati-kati ng likod ko, pakikamot.”

-------------------


Nang may dumating na krisis sa amin, matagal kaming walang balita kay Tatay na noon ay nagtatrabaho sa Gitnang Silangan. Walang tawag, walang sulat, walang voice tape. Ni isang kusing ay wala kami. Naranasan ko pang magsepilyo gamit ang asin. Halos mag-iisang taon na ganun ang kalagayan namin. Labis ang pag-aalala ng Nanay kaya hindi maiiwasan na sa akin niya ibinubunton ang mga sama ng loob niya kay Tatay. Pero naiintindihan ko naman siya. Sa kabila noon, hindi niya kami pinabayaan ng mga kapatid ko. Minsan isang araw, maaga siyang umalis ng bahay, walang pasabi kung saan pupunta. Naiwan akong kasama ng mga kapatid ko, nililibang ang mga sarili namin habang binibilog at ginagawang bola ang mga natunaw na kandila. Naputulan na kami ng ilaw dahil wala kaming pambayad sa Meralco.

Pagdating ng tanghali ay bumalik siya na may bitbit na isang plastic bag ng pagkain. Nagpunta pala siya sa palengke, doon sa kaibigan niyang tindera ng gulay. Ito din ang kaibigan niya na nagbigay ng puhunan para makapag tinda kami ng pagkaing almusal at meryenda. At doon ako nagsimulang matutong magluto. Marahil kung hindi siya naging maabilidad at matatag, baka iba ang kinahantungan namin.


Siguro, Ms. Friendship ang Nanay noong kabataan niya kaya marami siyang taong natatakbuhan sa oras ng pangangailangan. Biro ko nga, dapat kumandidato siya bilang Baranggay Captain sa lugar namin. Sigurado Landslide victory yun.

-------------------

Just recently nagkausap kami, may problema sa bahay, hindi ako nakapagsalita ng ilang minuto pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang ito sa akin,

“Anak, kapag nagpantay na ang mga paa ko…gusto ko sana… mayroon magsasalita para sa akin. Yung magsasabi sa kanilang lahat na mali ang mga bintang nila…na hindi ako ganoon kasamang asawa at ina. May pagkukulang oo, pero hindi ako masamang babae. Yung may magtatanggol kapag may taong nagsalita na may paninira laban sa akin. Yung nag-iisang kakampi ko. Ayun lang anak, masaya na ‘ko.”

Pinilit ko na lang mapagaan ang sitwasyon, sumasakit na kasi yung lalamunan ko kakapigil, parang na-trauma na ako nung minsang masabihan ako na isa daw akong madramang nilalang,

“O gusto niyo bang magpadeliver ako ng letchon?”

“Naku ‘wag na anak, may chicharon pa sa bahay. Bumili ako kanina kay Aling Betty.”

Hindi namin alam nagtatawanan na pala kami. Parang baliw lang no?

Pero mahirap lokohin ang sarili. Sa totoo lang, may naramdaman akong bigat doon sa mga binitiwan niyang salita. Bakit niya kailangan magsalita ng ganun?

-------------------


But the most she will do
Is throw shadows at you
But she’s always a woman to me.


Happy Birthday Ma.


10 comments:

gillboard said...

Maligayang Bati sa iyong natatanging inay...

pag nasa singapore ako, hahanapin kita, magpapalibre ako.. hehehe...

Aris said...

i am so touched by this post dedicated to your mom. na-miss ko bigla ang mom ko. :)

Eben said...

@gillboard
sige hihintayin kita...official tourguide. hehehe.

@Aris
welcome sa aking blog! maraming salamat. :)

danieru said...

maligayang kaarawan sa iyong ina =)

Jinjiruks said...

Mama's boy pala itong si Eben. Miss mo na siguro nanay mo ngayon at gusto mo munang dalawin siya. Kelan kba babalik ulit? para may get meet-ups mga blogger.

Chyng said...

Juiceko, nangilid ang luha ko! Kainis ka! (sobrang minsan lang mangyareng maapektuhan ako ng blog entry)

May sakit din kasi mama ko eh, tigas ng ulo! Pero nagpapatawa pa..

Swerte mo sa nanay mo!

Eben said...

@danieru
salamats ^_^

@jin
well hindi naman totally Mama's boy. Nasesermunan din ako palagi. hehehe.

@Chyng
makulit talaga mga Nanay no? I guess karamihan naman sa atin may magandang kwento tungkol sa mga Nanay.

iriz said...

iba pa rin tlaga ang may nanay, maswerte tayong lumaki nang nandyan sila. pero siempre maswerte rin si nanay dahil may panganay ciang katulad mo.

belated happy birthday!

bantayan ang diet. hehe.

Mugen said...

Huwag kang mag-alala, na-depensahan mo na ang iyong nanay. Huwag ka, high-tech pa ang ginawa mo. Hindi man niya ito mabasa, at least alam namin kung gaano siya kabuting ina sa inyo.

Eben said...

@iriz

oo binabantayan talaga ang diet. balita ko nga pumapayat na eh.

@Mugen

thanks Mugen.