Thursday, 30 April 2009

Hindi Ako Doormat

Huwebes, alas tres ng umaga. Nakakabingi ang katahimikan. Malalim na ang pagtulog ng mga tao.

Pero gising pa rin ang diwa ko.

Hindi ko masumpungan sa apat na sulok ng aking higaan ang tamang posisyon para makatulog.

Ang nakalipas na araw ay napakahaba. Maraming nangyari. Maraming surpresa. Para akong binabangungot. Sa totoo lang, hindi masarap sa pakiramdam.

Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Napansin kong ubos na ang aroma candle pero nakakapit pa rin sa pader ng aking kuwarto ang amoy ng “Woody Herb” aromatic oil.

Iniisip ko kung paano ba ako makakatulog?

Sinubukan kong gawin ang ilang asana na natutunan ko sa yoga. Pranayama, Arda Chandrasana, Pada Hastasana, Dandayamana Dhanurasana, Ustrasana, Bhujangasana. Wala pa rin epekto.

Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto at dumiretso sa kusina. Binuksan ang pintuan ng refrigerator at kinuha ang isang galon ng gatas. Kumuha ako ng baso sa pamingganan at ibinuhos ang gatas sa baso. Ininom ng isang lagok. Wala pa rin epekto.

Ibinalik ko ang gatas sa loob ng refrigerator. Hanggang sa napansin ko ang kalan. Marumi ito. Puro mantsa na dulot ng mantikang pinagprituhan ng karne at isda. Samantala, ang sahig ng kusina na gawa sa puting tiles ay nangingitim na rin. Nang dumiretso naman ako sa lababo para hugasan ang basong ginamit ko sa pag-inom ng gatas, nakita kong nanggigitata ang paligid ng lababo.

Biglang nangati ang mga kamay ko.

Nagpabula ako ng sabon at ginamit ang espongha. Kinuskos ko ang paligid ng kalan. Kinuskos ang mga natuyong mantika at sinigurong makintab ang tiles.

Pagkatapos ay kumuha ng floor mop at timba. Nilagyan ng tubig at bleach ang timba. Nilublob ang basahan sa timba. Piniga. At pagkatapos ay sinimulan ko nang pasadahan ang sahig. Ilang beses kong binalik-balikan ang mga sulok na nalinis ko na. Sigurista ako.

Gigil na gigil ako sa paglilinis ng lababo. Tinanggal ko ang mga nakabarang piraso ng pagkain mula sa daanan ng tubig. Sinabon ang nagmamantikang lababo. Kinuskos ang tiles. Pinakintab ang gripo.

Naglilinis ako ng kusina sa madaling-araw.

Alas-sais na ng umaga. Papasok na ako sa trabaho. Kailangan ko pang magplantsa ng isusuot ko na long sleeves.

Mahigit apatnapung oras na akong gising at hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin ang tumakas na antok mula sa aking sistema. Ito na siguro ang pinaka-mahabang gabi sa tanang buhay ko.

Ginawa ko na ang lahat – Nagpaka-OC, sumayaw sa saliw ng Tell Me, kumanta ng Happy Day, kumain, uminom ng gatas at nagbilang ng pitumpu't pitong puting tupa subalit wala pa rin nangyari. Buhay na buhay pa rin ang aking diwa na nasa loob ng napapagal kong katawan.

Unti-unti ko nang nararamdaman ang paglutang. Paos na at medyo nahihilo. Ilang sandali na lang ay babagsak na ako. May sasalo pa ba sa akin?

Pagod na pagod na ako.

11 comments:

Jinjiruks said...

sino bang hindi pagod sa trabaho at sa buhay na rin. ako rin naman. hayaan mo nakahanda akong saluhin ka pero sabay tayong mahuhulog pero at least sa akin ang lahat ng impact.

Turismoboi said...

hya anku! un lng! alm mo na un

Chyng said...

taas ng energy mo to do all those things ha. may sasalo sayo pag pagod kana, KAMA. ;)

gillboard said...

can relate big time!!! hindi nga lang ako masipag pag di ako makatulog... umiikot-ikot lang sa kama...

bawiin mo na lang pag weekend!!!

twink boi said...

sometimes ... we all look for that someone who will catch us when we fall ... we look for that someone who will keep us warm .. we look for that someone who would make us complete.

we tend to forget the purpose of our bed to catch us, the purpose of our blankets to keep us warm, that we were never really incomplete in the first place.

we rely on someone for those "missing" things. but can we just fill out those missing pieces on our own, so that when that someone comes along ... he don't need to fill something .. he just needs to complement you and overfill you with love and joy.

jamie da vinci! said...

try 8 days of no sleep. di ka lang lulutang... LILIPAD KA PA!!! :) i didn't feel like a doormat however. i told myself i was gearing towards SAINTHOOD! mother teresa, be afraid... be very afraid!

jeszieBoy said...

un din ang madals kong gawin pag hindi makatulog. naglilinis at nagbubutingting ng kung ano ano. :]

iriz said...

adik ka friend. ba't di mo gayahin si twink boi, parang sapat sa tulog o.hehe.

get enough sleep.even machines need to take a break.

ZZZzzzz....

Reena said...

g galing mo magsulat sa filipino. im impressed! pero bakit doormat? kala ko matters of the heart eh. hehe...

natawa ako kay jamie. hehe..

john stanley said...

you should try "pitumpu't pitong puting pating".

hindi kasi dapat tupa.

lin said...

視訊做愛,免費視訊,伊莉討論區,sogo論壇,台灣論壇,plus論壇,維克斯論壇,情色論壇,性感影片,正妹,走光,色遊戲,情色自拍,kk俱樂部,好玩遊戲,免費遊戲,貼圖區,好玩遊戲區,中部人聊天室,情色視訊聊天室,聊天室ut,成人遊戲,免費成人影片,成人光碟,情色遊戲,情色a片,情色網,性愛自拍,美女寫真,亂倫,戀愛ING,免費視訊聊天,視訊聊天,成人短片,美女交友,美女遊戲,18禁,三級片,自拍,後宮電影院,85cc,免費影片,線上遊戲,色情遊戲,日本a片,美女,成人圖片區,avdvd,色情遊戲,情色貼圖,女優,偷拍,情色視訊,愛情小說,85cc成人片,成人貼圖站,成人論壇,080聊天室,色情