Tuesday, 24 March 2009

Night Photowalk Part I: Pagbabalik-tanaw

Isang gabi ay sinipag akong kumuha ng litrato. Naisipan kong magpagala-gala sa siyudad at ilibot ang aking mga mata kasama si Candice, ang aking camera. Aking binisita ang Esplanade at ang pamosong si Merlion, na noong nakaraang Pebrero ay kinailangan ayusin dahil sa sirang natamo mula sa tama ng kidlat.

"The Merlion's Backside"


"Esplanade Bridge"


"Singapore's #1 Kodakan backdrop"


"The Business District"


"Theatres on The Bay"


"Durian and Flyer"


"Blue Orbs"


"Enter the Durian"


"Bluer Than Blue"


"Find Me"

----------------------------------------

"Bagong buhay, bagong blog. Kasalukuyang nakikipagsapalaran sa ibang bansa, para lang matupad hindi lamang ang aking sariling mga pangarap, kundi pangarap din ng aking pamilya.

Ngayon lang ako nahiwalay sa kanila ng ganito katagal. Dati, ayos na ang isa hanggang 3 araw na hindi ko sila nakakapiling. Noon, dahil sa mga pagsusunog ng kilay sa pag-aaral, kailangan mag overnight sa bahay ni classmate para mag-aral. Minsan naman, para lang makapagpahinga at makapag-unwind ay aalis ng lungsod kasama ng mga kaibigan at magpupunta sa mga lalawigan.

Ngayon, malayo akong muli sa kanila, pero hindi oras, araw, o linggo ang dapat kong bilangin kundi taon.

Akala ko, hindi ako iiyak. Ang akala ko, malalampasan ko ang mga susunod na araw dito sa Singapore na hindi ako nakakaramdam ng lungkot. Dahil kung tutuusin, minsan ko ng pinangarap na mapag-isa. Sa tatlong taon ng paghahanapbuhay sa Pilipinas, may tahanan akong inuuwian, tahanan na nasasandalan, tahanan na napagkukunan ko ng lakas. Sila rin ang aking pinagsisilbihan. Naisip ko noon, gusto kong maranasan ang nararanasan ng iba, ang maging independent. Mag-board? Mukhang masarap subukan.

Ni sa hinagap hindi ko naisip na ganito kabilis ang makapunta sa ibang bansa. Swerte daw na maituturing, dahil ayon sa iba, walang mangyayari kung sa Pilipinas ka magtatrabaho. Lahat na yata ng negatibong tungkol sa Pilipinas ay narinig ko na, ang ilan ay naranasan ko pa nga. Ang ideyang maging independent ay natupad, pero hindi lang basta-basta pagbo-board ang nangyari, lumabas na pala ako ng Pilipinas. Milya-milyang layo mula sa mga taong pinakamamahal ko.

Narito ako ngayon, nakikisalamuha sa mga taong hindi ko kalahi, hindi ko kaamoy, at hindi kaparehas ng wika. Pero pinipilit mabuhay. Gaano man kahirap, gaano man kalungkot, isang bagay na lang ang pinanghahawakan ko. Habang nananatili sa aking puso na mayroon akong magulang, mga kapatid at mga kaibigan na patuloy na naniniwala sa akin, hindi ako susuko.

Anuman ang naghihintay sa akin sa mga susunod na oras, araw, buwan, o taon dito sa kinalalagyan ko ngayon, Dios ang magiging patnubay ko.
" - Bago, isinulat ni Eben ika-4 ng Setyembre, 2007


20 comments:

Chyng said...

Wow, fabuloush night shots! Magaling magaling!

gillboard said...

gusto ko na rin magkaroon ng magandang camera!!!

reminiscing ka nanaman.. miss mo na pamilya mo no?

Jinjiruks said...

sana igala mo naman ako sa Singapore pag nakapunta ako dyan. hehe! ang drama mo pero totoo. who knows kung san tayo tatahakin ng ating tadahan. walang makakapagsabi. mahiwaga talaga ang buhay. pati ang comment na ito na walang sense. hehe.

jamie da vinci! said...

clap clap clap!!! ganda ng mga pics!!!

Eben said...

Chyng: shalamat!

gillboard: Bili ka na kasi.. tapos photoshoot tayo sa pinas. haha!

yeah miss ko na sila sobra, canlt wait for December.

jin: sige jin. Part time tourist guide naman talaga ako dito. lol

jamie: thanks thanks jamie!

PUSANG-gala said...

you have a good camera and a talent for taking pictures I guess----

and about the stay in Singapore---I guess that's what really life is all about---sacrifice...makes things sweeter.

Eben said...

pusang-gala: salamat.

lately hindi 'sweet' ang mga pangyayari. pero ganun nga talaga, sakripisyo.

Reena said...

wow, i love the photo of "theatres on the bay" and tama ka, fave kodakan site nga ung merlion na yan. lahat ata halos may picture na naka-nganga jan eh. hehe. is the landmark restored na ba?

aww. okay lang yan. siguro homesick ka na ulet. draw strength from your will to provide for your family. mas okay nga ngayon kasi easier to communicate. isispin mo nlng yung dating mga nagwo-work abroad, diba?

goodluck! kaya mo yan!

Turismoboi said...

cute pics

tama ka diyos lang ang patnubay!

Nash said...

love the shots!

perfect!

see you in my blog cheers!

the donG said...

ganda ng mga night shots eben. ganda din kasi talaga ng singapore.

Eben said...

Reena: Yap restored na sya..nagbubuga na ulit ng tubig 24/7. hehehe.

thanks po sa encouraging words. :)

CJ: Amen!

Nash: Hi! Thanks for visiting my blog. I'll visit yours, too!

the donG: Tyambang maganda lang ang kuha kasi maganda naman talaga ang subject. hehehe.

karakas said...

hindi yata mawawala inggit ko sa mga nagpapakuha ng litrato sa ibang bansa!

wanderingcommuter said...

i love the night life on this post... at ang kulit ng pic mo sa dulo!!!

iriz said...

naiiyak ako..

yun lang.

danieru said...

galing mo na talaga kumuha. ganda!!!

ALiNe said...

Nice set :)

Eben said...

@karakas
mas nakakainggit na picture kapag sa mga magagandang tanawin ng Pilipinas ka nagpakuha. :)

@ewik
epekto ng homesickness at pagkabagot, kung anu-anong naiisip gawin sa sarili. LOl

@friendship
eto ang panyo.

@danieru
wow salamat po!

@ALiNe
thanks for the visit. ^_^

Pinoy Gay Guy Confidential said...

You took really great pictures.

I also liked what yu wrote. You say di ka writer pero, it doesn't show sa sinulat mo. Parang effortless. It really feels like it came from the heart.

Hope you are doing well there.

niki said...

Nice shots. =)

Makes me all the more excited for my Singapore trip next month.