Sunday, 15 February 2009

Si Nini

Taong 1992 nang biyayaan ang aming pamilya ng isang malusog at tumatalbog (8 pounds) na sanggol na babae. Malalim na ang gabi ng isilang ng aking Nanay sa aming shanty tahanan ang kapatid kong si Nini. Dahil siya ang pumutol sa trend ng pagsilang ng tatlong sunud-sunod na lalaki ng aking Nanay, literal na nagpalakpalakan ang mga kapitbahay ng buksan ng kumadrona ang bintana at ipangalandakan sa lahat na “It’s a bouncing baby girl!!!”


Magmula noon, si Nini ay naging mansanas ng mata at kinagiliwan ng lahat.


Pero hindi namin lubos akalain na hanggang sa edad na daisy siyete ay kagigiliwan pa rin namin siya hanggang sa puntong nawiwindang na kami sa mga banat niya.


Gusto niyo ng mga sampol? Eto..


----------------------------------------

Nanay: Anak manghingi ka nga ng kaning lamig sa Tita mo.

Nini: Opo Ma.

Agad naman kumuha ng plato at lumabas ng bahay si Nini. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ito kasama ang pinsan namin. Wala siyang dalang kanin.

Nini: Ma! Wala na daw kaning lamig sila Tita, utong na lang.

Medyo nagulumihanan ang Nanay at Pinsan ko. Tapos nagsalita si Pinsan to break the silence.

Pinsan: Ay si Nini...ambastos...

Hagalpak sila sa kakatawa. Tutong pala ang gusto niyang sabihin.


----------------------------------------

Nag-aaway si Nini at ang kapatid kong bunso. Ang dalawang yun hindi na nagkasundo kahit pareho silang babae. Si Tintin kasi may pagka-pasaway, si Nini naman masungit. Umabot sa puntong napikon na si Nini at nasigawan niya si Tintin.

Nini: IKAW TINTIN SUMOSOBRA KA NA HA! HINDI LAHAT NG GUSTO MO AYAW MO!


----------------------------------------

Kakauwi lang ni Nini galing eskwela. Si Nanay nasa labas at naglalaba. Imbis na batiin si Nanay ay dirediretso ito papunta sa bahay namin. Napansin siya ng Tita ko at pinagsabihan.

Tita: Oy Nini, ikaw dinaanan mo lang ang Mama mo ni hindi ka man lang nag-mano!

Nag-pause si Nini sandali, parang may iniisip. Tapos biglang sumagot...

Nini: Hindi naman po kami Katoliko e.

Tambling si Tita. Yung Nanay ko napalakas ang hataw sa damit gamit yung palu-palo.


----------------------------------------

Kahit na sagana sa bloopers si Nini, talentadong bata naman siya. Kabisado niya ang mga capital city ng iba’t ibang bansa, marunong mag-sign language, magaling mag-apply ng cutix sa paa at higit sa lahat ay mahusay mag-gitara. Hindi man siya yung tipong running for honors sa eskwela, alam ko naman na nagsusumikap siya para makatapos ng high school. Dati puro Kapuso channel 7 ang makikita mong marka niya sa report card. Noong malaman ko yun, pinag-sabihan ko siya. Alam kong maka-GMA Kapuso kami sa bahay, pero huwag naman niya idamay pati ang grades niya. Halos isang oras ko din siyang sinabon na may kasama pang banlaw. Mula noon, nag-improve na siya.


----------------------------------------

Dear Utol,

Happy Birthday! Ambilis ng panahon, ngayon papasok ka na sa kolehiyo. Noon ako pa ang nagpapalit ng diaper mo kapag ako ang nakatokang mag-baby sitter, tapos pinapaliguan pa kita dun sa lumang poso natin. Tumatanda na talaga ako. Ngayon mas malaki ka pa sa akin. Bawasan mo kasi yung pagkain ng kanin. Kapag sinabi mong one cup of rice ka lang, huwag mong gamiting pantakal yung Nissin Cup Noodles. Madaya ka eh. Huwag ganun.

Ang sabi mo, Tourism ang kukunin mong kurso? Naku maganda yan...magiging Turista ka.

Good luck to you.

Ingatan mo yung gitara.

Mahal ka ni Kuya.



P.S.

Bawal munang mag boypren!



10 comments:

Reena said...

aww, sweet. panganay ka ba? ako kasi panganay and i have a tendency to protect my younger siblings.

nakakatuwa naman siya. kenkoy. siya ba kasama mo sa jamming mo?

Eben said...

@Reena

yup, panganay ako. like you, protective din ako lalo na sa mga kapatid kong babae.

tama ka, si Nini ang kasama kong nag-jamming nun. Siya yung gitarista. :)

gillboard said...

Happy birthday kay Nini!!!

Mugen said...

Hangsweet na kuya! Maligayang kaarawan sa iyong utol.

gravity said...

waaah! nice. so sweet coming from a big brother. lol, funny si nini ah. =)

happy birthday to her =)

Turismoboi said...

u knw what

natawa ko sobra sa mga punchlines ng kapatid mo

happy birthday sa knaya!

iriz said...

Haha, happy birthday Nini!

the donG said...

hahaha... isang astig post ito. natatawa naman ako kay nini. bunso din ako kaya kahit papaano nakakarelate din.

Eben said...

@the donG
nakakaaliw siya no? hehehe.

@iriz
yaan mo't makakarating ang pagbati mo

@Turismoboi
mabuti naman at napatawa ka ng post na ito. ;)

@gravity
ganyan talaga pag kuya. :)

@Mugen
Di naman masyado.. hehehe.

@gillboard
salamats!

emjay said...

sweeet indeed. nakakaloka ang punchline ng kapatid mo.

i can relate and i have a sister who's entering college this year and wants to take up tourism too.

happy birthday sa iyong kapatid.