Monday, 9 February 2009

My 135th Post is a Repost

Paano Daw Ma In Love Ang Isang Programmer?

Isa akong logical na tao. Logical, ibig sabihin hinahanap ko ang mga rason para sa mga bagay at nagdedesisyon din ako base sa mga rason na `to. Mahilig akong mag-isip, at ito ang paborito kong pastime. Nakakalibang ang Algebra, at Calculus naman ang paborito kong subject. Mabilis rin ako sa minesweeper. Sigurado akong kaya kong I-break ang record mo. Pati na rin siguro sa Tekken kaya kitang karnehin. Na-solve ko rin ang rubik's cube nang walang nagtuturo. At kahit nung bata pa lang ako, kung kailan pa lang ako nagsisimulang mag-isip, sisiw lang kahit yung pinaka-sopistikadong jigsaw puzzle. At Oo, bago pa man ako mag-aral, nung mga tatlong taong gulang pa lang ako, sa unang beses kong makakita ng game-n-watch, sinabi ko sa sarili ko na balang araw ay gagawa ako nito. Tamang tama, parang planado, at naging ComSci nga ako.

Planado na ngang talaga, at parang kalkulado ko lahat ng mga mangyayaring sunod sa buhay ko. Hawak ko ang Algorithm, ang perpektong Pseudocode ko. Lahat ng mga mangyayari alam ko na, na parang program na ako mismo ang sumulat.

Oo, lahat.

Lahat siguro alam ko na.

Pwera ka.

Oo, pwera ka. Ikaw lang siguro yung hindi ko nakalkula. Malamang nga, ikaw pa lang yung nakarating dito sa pinaka-loob ko kung saan nakasulat ang matibay at napaka-walang maling source code ko. At doon nagsimula. Nakaramdam ang robot. Nakalimutan nya ang rason at nagsimula siyang malito. Biglang ikaw na lang yung naging rason. Ikaw na lang. Bakit, sino ka nga ba? Kung ikaw ang millenium bug, malamang hindi ako Y2K ready. Kahit na ilan pang cold o warm boot ang gawin ko, o ilang ulit mag Ctrl+Alt+Del, ikaw pa rin ang bubungad sa Welcome Screen ko. Wala akong alam sa ganitong sitwasyon, pero bakit parang ikaw na lang ang alam ko? Unang beses na nangyari ito sa buhay ko sa tinagal-tagal ng run-time ng aking Algorithm. Marahil kung Tekken ang buhay, eto ako, naka-hold ng forward, hindi man lang nag-tag, at handa nang mamatay.

Ikaw pa lang siguro yung nakarating dyan sa source code ko, sa core o sa pinaka-kaluluwa ng isang entity na katulad ko, kung saan ako pinaka-mahina, pinaka-hindi nag-iisip, pinaka-talunan. Ano bang ginawa mo at parang gusto kong sabihin sa buong mundo na mahal na mahal kita? Hindi. Hindi lang siguro yun dahil sa mga mata mo na kaya akong lunurin. Hindi. Nawala na ang rason, pero bakit parang wala pa ring mali?

Kung Java program ako, isa kang Exception na hindi ko alam i-throw. At siguro, kung sa C, kahit mag-compile hindi ko na magawa. Ikaw ang Anomaly ng Matrix ko, at kahit si Agent Smith o Merovingian ay natalo mo. Ikaw na nga ang "Why" pati ba naman ang "What" ikaw pa rin? Sabihin mo naman sa akin kung paano mo yun ginawa. Bakit? Ikaw ba yung the One? Kung ikaw nga at alam kong ikaw nga, sana ayos lang sa'yo.

Alam kong sinabi ko na sa'yo ang lahat, pero hindi ko alam kung naniwala ka. Pasensya na kung wala na akong magawang iba para maniwala ka. Salita. Yun lang. Pero hindi naman kasi "Mahal Kita" lang ang gusto kong sabihin, marami pang iba. Hindi ko lang alam kung paano sabihin, o kung ano yung katumbas nun sa salita. Oo, hindi ko mahanap yung salita. Kahit siguro saang language – kahit sa C# o Java, Pascal o Cobol, VBScipt o ActionScript, sa mas kumplikadong Assembly Language o Machine Language. Kahit sa mga 1’s at 0’s ng binary, mga true o false ng boolean, o kahit saan pa.

Pagpasensyahan mo na ang nakayanan ng isang ComSci na walang alam sa salita. Pero ngayon uulitin ko, at maghihintay ako sa sasabihin mo, kahit kailan pa yon at kahit anuman yon, gaya ng sinabi ko sa'yo: Mahal kita.



###############

[Warning: Error 404]
Ang may akda ay kasalukuyang naka-Quarantine. Uncleanable ang kanyang status dahil wala pang mahanap na solusyon ang Virus Database para alisin ang dumapong Alexithymia outbreak sa kanyang sistema… Please wait for further announcements from the Webmaster.

15 comments:

gillboard said...

may pagkageeky yung post, pero ang cute. hahaha

sino naman kaya pinatukuyan nito noon? ganun pa rin ba hanggang ngayon?

Chyng said...

hehe, nice. at least a genius is surrending.

sweet! :D

enhenyero said...

'maghihintay ako sa sasabihin mo, kahit kailan pa yon at kahit anuman yon' still no response up to now? Dapat ngang irepost..

Anonymous said...

sana ako nalang ang maging solusyon sa dumapo sa yo...

.pOot! said...

eben, ganda ng site. visit mo rin blog ko at tsilspat.blogspot.com

the donG said...

hahaha...astig! napanood mo na ba ang tv series na "big bang theory"? patawa yon. buhay ng mga programmers.

MkSurf8 said...

ang alam ko lang REBOOT! pwede na rin UPGRADE!

will link u ;-)

krishA said...

first time visiting here..

grabe ang lalim... sino kaya yung tinutukoy mo hehe.


galing naman magbasa ng entries from a guy na inlab :)

Jinjiruks said...

kilala ko ba yan eben? it's a refreshing to hear those words galing sa isang programmer. sabi nila mas tapat magmahal mga yan dahil "focus" sila sa mga bagay na importante sa kanila.

olan said...

kinilig ako ewan bakit... lapit na kasi araw ng mga puso na syang kaarawan ko rin kaya naging mushy din ako sa kakabasa nitong posts tulad ng mga ito.

jeszieBoy said...

nako sino kaya ung tinutukoy?
at bakit nirepost? hanggang ngayon ba? hehe.. :]

iriz said...

ganito tlaga pag malapit na araw ng mga puso. bakit ba kc may feb 14? love is too grand to celebrate it in just one day. diba? hehe.(excuses...single kc e)

so ganito nga magmahal ang programmer, e ang tech support kaya? hehe.

3 days to go!

ENTONGALON said...

"Pasensya na kung wala na akong magawang iba para maniwala ka."

may magagawa ka pa. maniwala ka. kasalukuyan akong nagmamahal ng isang taong logical. hingingan ako ng rason sa lahat. pati sa aking damdamin para sa kanya. wala akong naisagot. pero may nagawa ako. may magagawa ka rin.

Mugen said...

Isusuggest ko sana na mag Kaspersky ka, subalit alam ko na gusto mong infected pati ang memory, motherboard at processor mo. :) Ayos lang yan, matindi nga ang tama mo dude.

Anonymous said...

Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!