Thursday, 12 February 2009

Akala Niyo Kayo Lang Ang May 25 Random Things?

25. The Feelinggerong Kusinero
- Cooking Skills: Alam ko kung paano magluto ng Sinigang, Nilaga, Menudo, Adobo, Sopas, mga pagkain na may Gata, Paksiw, Spaghetti/Carbonara, mga Inihaw. Marunong din ako gumawa ng salad at mga meryendang Pinoy tulad ng turon at banana Q. Natutunan ko ang lahat ng yan sa pagtambay sa kusina tuwing nagluluto ang aking Nanay. Sa ngayon ay nag-aaral pa rin akong magluto ng mga bagong putahe.
- Paboritong Gulay: Okra, Saluyot, Kangkong, Puso ng saging, Toge
- Ayaw na Gulay: Kalabasa, Carrot, Papaya

24. The Business Mogul
Naging ice candy vendor ako noon sa elementarya. Nilalagay ko sa coleman ang mga paninda kong ice candy at nilalako sa mga kaklase sa halagang piso kada piraso. Minsan sinita ako ng teacher ko dahil inaagawan ko daw siya ng customer sa mga paninda niyang White Rabbit at Lipps. Ako din ang tagabenta ng Nutriban at isa sa mga kumukuha ng Tray sa Canteen. Kinalaunan nung ako'y yuppy na ay naglako naman ng mga pagkaing almusal sa opisina tulad ng goto, sopas, spaghetti, champorado. Nasubukan ko din magbenta ng AVON products bilang pagtulong sa business ng aking Nanay.

23. The Feelinggerong Singer
- Isang beses sumali sa singing contest at dito pa sa Singapore. Umabot hanggang semi-finals...at dun nagtapos ang aking Idol dream.
- Nung nasa Pinas pa ako, madalas akong gawing human radio ni
Reign. Hanggang ngayon ginagawa pa rin akong human radio...ng mga housemates ko.
- Favorite Videoke piece:
Gold by Spandau Ballet, di ba Ardee? hehehe.
- Nagsubok mag-record ng kanta sa Videoke King doon sa Megamall. (Later, How Can I Fall, To Where You Are)

22. The Feelinggerong Photographer: Nahihilig sa Photojournalism, Macro at Landscape photography. Nasubukan din kumuha ng litrato para sa mga ikakasal. Gustong matuto ng Fashion Photography, kaya heto at naghahanap ako ng pwedeng gawing model. hehehe.

21. The Batang yagit: Dalawang beses naranasang maglakad mula Cubao hanggang Marikina. Duwag kasi ako, takot mag 1-2-3 sa jeep.

20. The Batang Timezone: Madalas mo akong makikitang nagsasayaw sa harap ng Dance Maniax 2nd Mix o kaya naman ay nakikipagtagisan ng talino dun sa Super Quiz (kunwari alam ko yung mga sagot).

19. The Anime fan: I thought of becoming a Cosplayer during Anime Conventions. Kaya lang magastos pala. Gusto ko pa naman maging si Hell Teacher Nube o Gendo Ikari. I'm a fan of Gundam Wing, Escaflowne, Evangelion, Hunter X Hunter, G.I.T.S., Appleseed, Mononoke Hime, Spirited Away, Voltes V, Sunny Pig, Doreamon at siyempre... Sailor Moon! LOL.

18. Turning Japanese: I know how to read and write Hiragana and Katakana. I can recognize at least 20 to 25 kanji characters. I may not know how to read a kanji, but somehow I get the meaning. I learned basic Japanese through self tutelage (started 1999). My first Japanese language book is "Atarashii Nihonggo" though I never pursued taking up at least Level 4 certification. I like wasabi, california maki and sushi. Tokyo is one of my dream destinations.

17. Turning Korean: Sinubaybayan ang A Rosy Life, Endless Love 1 and 2, Kim Sam Soon, Full House at Dae Jang Geum. Marunong din akong magbasa at magsulat ng kaunting Hanggul, siyempre self-tutelage pa rin. Marunong din akong gumawa ng Kimchi.

16. The Artist Kuno
- I was in sixth grade when I started creating my own comic book drawn at the back pages of my notebook.
- Created games similar to Mario 3 complete with maps and stories.
- Too bad wala na yung drawing collections ko dahil laging ina-arbor ng mga pinsan at kaibigan.
- First time to join a poster making contest: Grade One, 3rd placer. Theme: Something about Saving Mother Earth (?)

15. Most Valued Possessions: Boxed set of Lord of the Rings: Extended Edition, Harry Potter books, MP3 collection of Motion Picture Scores, D.C. comics t-shirts, Silver bracelet regalo ni Nanay, Boxed set ng 101 recipes na regalo ni Lolo, Low Key album na regalo ni
Reign, my laptop named Adelle (Dell Inspiron 1420), at ang aking SLR camera na si Candice (Canon 450D).

14. The Tolkien fan: Maliban sa boxed set mentioned in #15, meron din akong LOTR books at Silmarillon. Pinag-iipunan ko pa yung Children of Hurin. Marunong din ako ng kaunting Sindarin at Quenya. Namarie!

13. The Pixar fan: I've watched all their movies and animated shorts. My favorites are Finding Nemo and For the Birds.

12. Lots 'a Gusto: Gusto ko matuto mag-gitara, mag-piano at mag-violin. Gusto ko mag-bunjee jumping at sky diving. Gusto ko maranasang maging isang Voice talent. Gusto ko maglakbay sa iba't ibang panig ng mundo ala Lonely Planet.

11. The Reaper Tricker: Muntik na akong malunod sa ilog ng Wawa sa Montalban noong ako'y musmos pa lamang. Dahilan para magka-phobia ako sa open water.

10. The Disgrasyado: 1. Nauntog ako sa metal grills ng bintana at nawalan ng malay sa sobrang pagka-hilo 2. Habang paakyat sa pader ng kapitbahay para kunin ang bolang napunta sa bubungan, hindi ko nakitang my inverted hook pala sa itaas ng pader. Ayun, dumugo ang ulo ko.

9. The Pet Lover: Mas gusto ko ang aso kaysa pusa. Loyal kasi ang aso. Ang pusa loyal lang sa'yo pag may kailangan siya. May mga kilala akong tao na asal pusa.

8. El paborito: Favorite English movie: Requiem for A Dream. Favorite Tagalog movie: Himala. Favorite color: Green (moss, lime). Favorite Scent: Hugo Boss Energize. Favorite Actor: Tom Hanks. Favorite Actress: Cate Blanchette.

7. The TV buff: I'm a certified
Kapuso. Mula re-runs ng Kay Susan Tayo! sa madaling araw hanggang Master Showman sa madaling araw. Nanonood din ako ng mga foreign series tulad ng Grey's Anatomy at The Simpsons.

6. I can't do: Hindi ako marunong lumangoy at magbisikleta. Oo na, alam ko na ang sasabihin mo....Kay saklap ng aking kabataan.

5. Fears: Takot ako sa ipis at payaso.

4. The Circus Act: Kaya kong pagalawin ang aking tenga nang hindi hinahawakan.

3. The ugly duckling: Dati ako'y patpatin. Nerd looking - may malaking backpack, maraming bitbit na libro, nakasalamin, tigyawatin at parang hinati ni Moises ang buhok na naninigas dahil sa tagpi-pisong gel. Lagi pang inaatake ng ulcer. Sa ngayon masasabi ko na kahit papaano ay may kaunting improvement naman. hehehe.

2. See true: I have poor eyesight. I'm wearing contact lenses most of the time. Kung sakaling masalubong mo ako sa daan at hindi kita napansin, huwag mo naman ako paratangan na suplado. Hindi ko lang suot ang contact lens ko. :p O baka ayaw nga lang talaga kita pansinin. bwahahaha!

1. Curious Eben: When I was about to enter college sa PUP, I'm suppose to take up Business Management kasama ng best friend ko. However, out of curiosity sinubukan kong pumila sa B.S. Information Technology. I never expected na matatanggap ako dahil wala naman akong alam sa computers at bopols ako sa Math nung hayskul. But then I did and the rest is history... I'm currently in exile sa isang malayong Isla fours hours away from Manila... Salamat sa curiosity.


12 comments:

the donG said...

kaya heto at naghahanap ako ng pwedeng gawing model>>>> dami dyan. punta ka lang sa simbahan pag saturdays. pero hindi ko pa to nagawa. hehehe...

Reena said...

really? you joined singing contests? sample naman dyan. hehe

Eben said...

@the donG
sige gagawin ko yan minsan. hehehe.

@Reena
Isang beses lang po yun... hinatak ako ng opismeyt ko. hehehe.

eto katuwaan lang, jamming kasama mga kapatid ko: http://findingeben.blogspot.com/2008/12/jamming-with-my-siblings-gold-by.html

Reena said...

i listened to your jamming. it's soooo goood! i'm very much impressed! pano ba ma-download yun? hehe.

gillboard said...

ngapala, dun lang ako nakatira sa malapit sa Riverbanks... limot ko na yung address, pero dun siya sa tabi ng Loyola Memorial Park.

Walking distance dati from work. hehehe

Eben said...

@gillboard
Ahh doon yun sa Barangka. Taga Parang kasi ako.. hehehe.


@Reena
wow nagustuhan mo? salamat!

Mugen said...

Created games similar to Mario 3 complete with maps and stories.

Hahaha paborito ko rin itong gawin!! Matuturuan pala kita maglangoy.

iriz said...

teka. parang may nawawala a...asan yung vicks? dapat pala 26 'to.hehe.

ganyan nga, we are unique in our own ways.

naks naman, ingatan ang low key, ok.

Jinjiruks said...

nde naman siguro ako asal pusa eben. nakakasakit ka ng damdamin. mas malambing pa nga ang pusa kesa sa aso dahil pusa ko umaakyat sa tiyan ko at dun natutulog. minsan lalapit sa iyo at sinasabi na haplusin mo ang likod niya.

Eben said...

@jin

hindi ko naman intensyon ang manakit ng kapwa sa pagsusulat ng 25 random things...sariling opinyon ko lamang ang patungkol sa pusa. paumanhin kung nakapagdulot ako ng sakit. :)


@iriz

haha! oo nga nakalimutan ko yung vicks.. oh well, given na kasi yun. LOL


@Mugen
apir!
sige magpapaturo ako sa'yo lumangoy. hehehe.

Lionheart : Richard the Adventurer said...

Nice naman....

At least may list ka... Ako kasi tamad sa mga ganyan e....

Naks! Talented ka pala ....

Kakainggit!

Chyng said...

Ayos to ha. I like reading other bloggers fact things.. Para naman kahit pano may alam tayo sa profile!