Friday, 31 October 2008

Sunday, 26 October 2008

Mga Dapat Tandaan Part IV: Halo Halo

  • "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
  • "ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."
  • "hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
  • "hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "
  • "Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."
  • "Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."
  • "Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."
  • "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."
  • "iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."
  • "iba ang informal gramar sa mali !!!"
  • " Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."
  • "Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"

Friday, 24 October 2008

Mga Dapat Tandaan Part III: Sa Pag-aaral

  • "Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

  • "Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. Tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."

  • "Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."

  • "dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

Tuesday, 21 October 2008

Mga Dapat Tandaan Part II: Sa Buhay

  • "nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

  • "Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

  • "Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

  • "Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

  • "Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."


Monday, 20 October 2008

May Asim Pa!

Habang nagpa-practice ako ng kanta ni Keith Urban na "Tonight I Wanna Cry", nasipat ko ang isang video na talaga naman nagpahagalpak sa akin sa kakatawa. Isang music video na talaga namang pinaghirapan, pinag-isipan, at higit sa lahat pinaghandaan. Para sa nag-iisang lolang may asim at ibubuga pa....























Narito na siya...





















tentenenententententeeeeeeeen!!!!!!







Enjoy!

Tonight I Wanna Cry

by Keith Urban

{verse 1}
Alone in this house again tonight
I've got the TV on, the sound turned down and a bottle of wine
There's pictures of you and I on the walls around me
The way that it was and could have been surrounds me
I'll never get over you walkin' away

{chorus}
I've never been the kind to ever let my feelings show
And I've thought that bein' strong meant never losin' your self control
But I'm just drunk enough to let go of my pain
To Hell with my pride let it fall like rain
From my eyes
Tonight I wanna cry

{verse 2}
Would it help if i turned the sad song on
"All By Myself" would sure hit me hard now that you're gone
Or maybe unfold some old yellow lost love letters
It's gonna hurt bad before it gets better
But I'll never get over you by hidin' this way

{chorus}
Cause I've never been the kind to ever let my feelings show
And I've thought that bein' strong meant never losin' your self control
But I'm just drunk enough to let go of my pain
To Hell with my pride let it fall like rain
From my eyes
Tonight I wanna cry......

{chorus}
I've never been the kind to ever let my feelings show
And I've thought that bein' strong meant never losin' your self control
But I'm just drunk enough to let go of my pain
To Hell with this pride let it fall like rain
From my eyes
Tonight I wanna cry......




Wednesday, 15 October 2008

No Walls by Orsa Lia

Let me love you, come close to me
Locked in my arms, you’ll still be free
Don’t be frightened my half flying bluebird
Cause my love has no walls
No walls, no ceiling
No walls, no ceiling, no floor

All my love songs are just for you
Sing them with me and when you do
Don’t be frightened my half flying bluebird
Cause my love has no walls
No walls, no ceiling
No walls, no ceiling, no floor

Go on and fly high in the sky
I’ll never try to burn your wings

Let me love you, come close to me
Locked in my arms, you’ll still be free
Don’t be frightened my half flying bluebird
Cause my love has no walls
No walls, no ceiling
No walls, no ceiling, no floor


------------------------------------



Sabi ng housemate kong si Jheng, it's about loving with sacrifice. Sabi ko naman... No walls + no ceiling + no floor = no house. Mais lang!


Here's Orsa Lia's original recording of this song.





Regine Velasquez will be reviving this song for her new album. Ganda ng version nya... pampatulog. Hehehe.


Wednesday, 8 October 2008

Mga DAPAT Tandaan Part I: Sa Pag-ibig


  • "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
  • "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
  • "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
  • "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
  • "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
  • "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
  • "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
  • "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
  • "Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."
  • "Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."
  • "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."
  • "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"
  • "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
  • "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"