Sunday, 26 October 2008

Mga Dapat Tandaan Part IV: Halo Halo

  • "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
  • "ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."
  • "hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
  • "hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "
  • "Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."
  • "Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."
  • "Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."
  • "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."
  • "iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."
  • "iba ang informal gramar sa mali !!!"
  • " Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."
  • "Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"

1 comment:

jOan aka nUdz kUlot said...

wow galing naman..da best tlg ung mga quotes mo..san ba yan nanggaling? sa utak mo mismo? huwaw tlg..hihi..

i like the cellphone w/ camera
thingy.. ;)