Thursday, 11 September 2008

Nakakapagod

Anumang bagay na ating sinimulan,

Dapat alam natin kung paano wawakasan.

May mga panaghoy tayo tungkol sa biro ng buhay,

Sa kung paano ito naging hindi makatarungan,

Hindi naging patas sa lahat ng mga dinanas.

Kaya ngayon ay sumisigaw tayo ng pagbabago.

Subalit hindi ba’t matatapos lamang

Ang isang bagay na nasimulan,

Kung naroon ang kagustuhan na ito’y matapos,

Ang kahandaan ng puso at isipan

Sa pagyakap sa pagbabago.

Dahil kung hanggang litanya lamang ang lahat,

O kaya naman ay pagtakas, paglinlang,

Pagkubli o pagsasawalang bahala,

Kapag papairalin ang pagmamalaki sa sarili,

Tiyak ay may isang bagay lamang na maaasahan.

Ito’y ang walang humpay na pagmumulto ng kahapon.

Hahabulin ka hanggang sa hindi mo na mawari

Kung paano pa makakaigpaw sa mga naipong pagkukunwari.

Ang katotohanan, nasabi na sa atin ang mga kawikaan,

Mga gasgas na salitang napagtanto na natin ang kahulugan.

Subalit tila ang hindi natin tunay na matutunan,

Ang paano ito isasabuhay upang magkaroon ng kabuluhan.

5 comments:

wanderingcommuter said...

wow, ang lawak ng filipino mo at ang kinis ng daloy nito...

namove ako, kudos!!!

Eben said...

maraming salamat ewik. :)

iriz said...

Para kong sumisilay sa isang balong malalim.

"Ito’y ang walang humpay na pagmumulto ng kahapon. Hahabulin ka hanggang sa hindi mo na mawari Kung paano pa makakaigpaw sa mga naipong pagkukunwari"

makes sense.

May mga bagay talagang mahirap wakasan, pero ang mas mahirap e yung wala pang nasisimulan.

Nice poem! ;)

Jinjiruks said...

wow grabe, eben. inspiring ang poem mo. ^^;

Eben said...

salamat jin. :)