Sunday, 31 August 2008

Home alone pudtrip!


Nakakagutom ang pagrereview, kaya naisipan ko na lumabas muna ng bahay at bumili ng merienda. May malapit na Kopi Tiam (or parang Eatery/Karinderya sa Pinas) sa amin, at doon ako bumili ng kakainin ko ngayong hapon. Eto yung mga nabili ko...

Pudtrip #1: Bandung



Ang Bandung ay pinaghalong katas ng rosas at gatas. Sa unang tingin mukha siyang cuticle remover, pero kapag natikman mo, sigurado namang magugustuhan mo ang lasa. Tama lang ang tamis at lapot ng gatas at masarap inumin habang malamig.


close up shot ng Bandung


Quench your thirst!

Pudtrip #2: Indian Rojak

Ito naman ang Indian Rojak. Ang "Rojak" ay isang salitang Malay na ang ibig sabihin ay "mixture". Iba't iba ang klase ng Rojak at isa na dito ang Indian Rojak kung saan halo-halo ang mga pagkain pinirito tulad ng fishball, squidballs, sausage, itlog at marami pang iba. Meron din itong pipino, sibuyas at siling berde. May kapares itong sawsawan na gawa sa chili, spices, at mani.






Pudtrip#3: Popiah

Ito naman ang Popiah. Kahawig nito yung lumpiang sariwa, ang kaibahan lang ay medyo maanghang ang Popiah. Meron itong turnip, bean sprout, cheese, fried tofu, at chopped peanuts na kasama.






Sarap!



Burp! Hindi naman halatang gutom na gutom ako di ba? Hindi naman karamihan ang kinain ko. Inaamin ko naman may pagka-PG ako, pero ngayon lang ulit ako inatake ng pagka patay gutom pagbigyan nyo na 'ko. Isa pa, mag-isa lang kasi ako sa bahay ngayon kaya walang ibang uubos nito kung hindi ako lang.




Naalala ko yung sinabi ni Kim Sam Soon, "Malungkot ang buhay ko, at pagkain lang ang nakapagpapasaya sa akin."...


...agree naman ako sa sinabi nya.

4 comments:

gillboard said...

mukhang masarap yung bandung... hmmm... too bad di ako kumakain ng gulay. at allergic ako sa squidbaalls.. hehehe

iriz said...

nagutom ako dun a. parang model lang ng isang fastfood commercial.pero teka...hmmm...ang diet...hehe.

nice presentation dear.yummy! ;)

Eben said...

@gillboard

maselan ka pala. hehe
yeah masarap ang bandung.


@iriz
model ka dyan. LOL
ganyan talaga pag bored. kung anu-ano naiisip gawin sa sarili. haha!

wanderingcommuter said...

parang masareap yung mga pagkain. pero pass ako dun sa drink...hehehe...