Wednesday, 23 July 2008

Pilak

Isang taon na naman ang lumipas, at marami pang taon ang muling tatahakin. Kay bilis ng oras, at hindi ko namalayan na nadagdagan na naman ako ng mahigit tatlong daan at animnapung araw. Bigla kong naalala, isang taon na ang nakalilipas, sa eksaktong araw tulad ng sa ngayon, ang araw kung kailan ako nagdesisyon na umalis ng Pilipinas. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari matapos kong ipadala ang liham na nagsasaad ng aking pagtanggap sa inaalok na trabaho sa ibang bansa. Sa loob lamang ng isang buwan, napalayo na ako sa aking mga magulang, kapatid, kamag-anak, at mga kaibigan.

Noong isang taon, kapiling ko ang mga mahal ko sa buhay noong nagdiwang ako ng aking kaarawan. Isang payak na salu-salo, yun bang karaniwan na sa ating mga Pinoy na ipinagluluto ng Nanay, pagkatapos ay aayusin nila Tito at Tita ang karaoke at magkakantahan. Tapos ay darating ang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan. Hindi mahalaga kung may regalo man o wala, dahil ang mas mahalaga ay yung presensya nila.

Ngayong taon, malayo na sa lahat. Mag-isa lang. Walang magulang na magluluto ng pancit o ng spaghetti. Walang mga kapatid na kasamang maglilinis ng bahay dahil may darating na mga bisita. Walang mga Tito at Tita na pwedeng makasama sa kantahan at mga kaibigan na babati sa’yo. Wala silang lahat sa tabi ko.

Pero ano nga bang “big deal” doon? Isang araw lang naman yun. Katulad ng mga araw na lumipas at haharapin. Tuloy lang naman ang buhay. Kaya nga trabaho pa rin naman ang aatupagin ko sa araw na ito. Lumiban man ako sa opisina, madadagdagan lang ang mga gagawin ko sa susund na araw na papasok ako. Mas mabuti na rin siguro na ganun ang gawin ko dahil kahit papaano ay iwas sa gastos lalo na ngayon na bagong lipat ako ng bahay, marami pang pinagkakagastusan.

Hiling ko lang, na sana ay patuloy akong bigyan ng mabuting kalusugan dahil sa panahon ngayon bawal magkasakit. Pinagpapasalamat ko din kay Lord ang lahat ng mga biyayang natatanggap ko, maliit man o malaki kahit na minsan nakakalimot akong magpasalamat sa kanya, hindi pa rin nya ako pinapabayaan. Yun lang naman masaya na ako.

At para tapusin ang sinusulat kong ito, narito ang isang kantang inawit ko kanina. Pasensya na kung hindi malinis ang pagkakakanta. Hilig ko lang talaga ang umawit kahit na hindi mahilig ang awit sa akin. Minsan ay makapal lang talaga ang mukha ko. Ang pamagat ng kantang ito ay “Sana” na unang inawit ng bandang Pilipino na Shamrock. Isa ito sa mga paborito kong OPM, sana kahit papaano ay magustuhan din ninyo.








8 comments:

gillboard said...

happy birthday!!!

iriz said...

hapi bertdey!!!

one more year older. hehe.


bakit ganun ayaw mag-play...tsk.

Eben said...

gilbert & iriz

salamat sa pagbati.. try niyo ulit kung magpeplay yung song. :D

wanderingcommuter said...

hampey hampey bewtdey....

ganyan talaga kapag tumatanda...hehehe

Eben said...

@ewik

at talagang binigyang diin yung salitang 'tumatanda'. LOL

salamat sa pagbati!

Bienthoughts [a.ride.to.life] said...

isang pagbati sa iyong kaarawan. napadaan lang sa iyong pahina. mahusay, mahusay, gusto ko ang iyong mga pitak.

teka, masyadong tagalog. basta, happy bertday!

-Bienthoughts

iriz said...

heard the music.

i miss my human radio... ;(

*hugz*

Eben said...

@Bien
maraming salamat sa iyong pagbati.

@iriz
LOL@human radio