Tuesday, 1 July 2008

Rechannel

Kung minsan, may mga panahon na nalulungkot tayo o gusto natin ay yung mapag-isa. Maaaring dahil sa problema, depression, stressed sa trabaho o sa studies, at kung anu-ano pang mga kadahilanan. We need time for ourselves to cope with these things. Sabi nga para daw makapagmuni-muni at makapag relax. Bawat tao may kanya kanyang trip. As for me, here’s my fair share...


Sound trip hanggang sa makatulog. Kapag walang magawa at gusto lang magkulong sa kwarto, pipilitin ko makatulog habang nakikinig sa mga mp3 collections ko. Ilan sa mga pinakikinggan ko ay yung albums nila Simon Webbe, Jason Mraz, Evanescence, Goo Goo Dolls, classical and movie soundtracks, at ang guilty pleasure ko – mga songs ni Regine Velasquez at ng Aegis LOL . Jologs man, pero hirap kasi ako makatulog, kaya yung mga ganitong klaseng music yung nakakatulong sa akin para maging mahimbing ang tulog ko. In short tamang senti lang. Pagkatapos nun paggising ko, okay na ulit ako.


Videoke/KTV. During my opis boy days sa Ortigas, palagi akong napapadaan sa Megamall kapag uwian na. Aside sa window shopping at pagpapalamig salamat sa aircon ng mall, palagi akong nabibisita sa Timezone at tinitignan ko kung may available KTV room. Kahit mag-isa lang ako, magta-topup ako ng card tapos sasabak sa kantahan. Kakantahin ang signature song na Gold ng Spandau Ballet, at mga OPM ballads hanggang sa mapaos. I even tried recording my voice sa Karaoke King. As in ganun kakapal ang mukha ko. Haha! I dunno, pero sa akin kasi, instead na umatungal ako kapag may problema, idinadaan ko na lang sa pagkanta, at least yun nasa tono. Hehe.


Dance Maniax, O2 Jam at Audition Dance Battle. Maliban sa KTV, isa din sa dinadayo ko sa Timezone ay yung Dance Maniax. A friend of mine introduced me to this arcade game. You use your hands and body and the machine will recognize your movements through its 8 optical sensors. Maganda na din exercise ito dahil pagpapawisan ka lalo na kapag WILD mode ang pinili mo at naka 2.5 and above ang speed. Sa O2 Jam naman, honestly hindi ako pro dito. Ni hindi pa nga ako nakakapaglaro ng HARD mode. Pero masaya din syang laruin kasi mahahasa ang reflexes mo. Kapag badtrip ako, ibinubunton ko yung inis ko sa bawat pagtipa ko sa keyboard. Same goes with Audition Dance Battle. Frustration ko kasi ang pagsayaw at since parehong kaliwa ang paa ko, I let my character do the dancing for me. LOL.


Watch movie. Several times na nasubukan ko ng manood ng movie sa sinehan na hindi kasama ang mga kaibigan ko. Mas nakakapag concentrate ako sa pinapanood ko kapag ako lang mag-isa, tapos uulitin ko ng ilang beses yung movie lalo na pag nagustuhan ko.


Food trip. Food gives me comfort. Kaya naman kapag naisipan ko mag food trip, lamon kung lamon talaga. Kakain ako sa isang Korean resto and then mag-oorder ng Kimchi Chigae, Bokumbap, o kaya naman Saba Fish. Kapag trip ko naman mag japanase food, tonkatsu lang or maki ang katapat, solb na! Masarap din kumain ng ice cream at anything na sweet. Kapag walang pera, masaya na ko sa Boy Bawang na nilagyan ng maraming suka at asin o kaya naman yung panutsa na maraming mani. Kapag sinisipag naman ay nagluluto ako, yun nga lang parang nawawalan ako ng ganang kumain pag ako ang nagluluto, kaya mga kapatid ko ang umuubos ng niluto ko.


Walk. Naaalala ko pa dati, kapag financial ang pinoproblema ko, maglalakad ako. Nakayuko at nakatingin sa nilalakaran, para bang I was expecting na makapulot ng pera sa daan. Minsan naman, basta gusto ko magmuni-muni, lakad lang ako ng lakad. Kahit wala naman exactly na pupuntahan, lakad pa rin. Hanggang sa makarating sa pinakamalapit na park, tapos uupo sa bench, titignan yung mga tao sa paligid – mga matatandang naglalaro ng dama at chess, mga lovers na nagsusuyuan, mga pet lovers na iginagala yung mga aso nilang may breeding, mga magkakabarkada na nagkukulitan, si manong na nagtitinda ng cotton candy or ice cream, mga palaboy sa kalye na nagpapahinga sa park na tila may sariling mundo, mga bikers at skateboarders. Sa paglalakad, mapapansin mo yung mga ordinaryong bagay na noon hindi mo binibigyan ng atensyon.


Maglinis ng bahay. Kapag inatake ako ng O.C. (Obsessive Compulsive), wala na akong ibang gagawin kundi maglinis ng bahay. Isa sa mga tinatarget ko kapag sinisipag akong maglinis ay yung banyo. Gusto ko kasi sa bahay, malinis ang kasilyas. Kaya naman hanggat maari, pinipilit ko paputiin yung tiles ng banyo namin. Kuskos lang ng kuskos. Labhan ang basahan, magwalis, magtanggal ng alikabok, ayusin yung mga DVD at CD collections ko, sinupin yung mga magazines at dyaryo, at pagtyagaan na tiklupin ng maayos yung mga plastic bags na ginamit sa pamamalengke. Kapag naglilinis ng bahay, hindi naman kailangan mag-isip ng mag-isip, para bang walang ibang naglalaro sa isip kundi ang maglinis lang.


Go to a chapel/church. Iba yung pakiramdam kapag nasa loob ka ng isang chapel. I remember nung college, mahilig ako tumambay sa Interfaith chapel, doon nagrereview o kaya naman nagpapalipas ng oras. Tahimik kasi at very peaceful ng place. Pwede ka mag-meditate if you want a moment with the Lord. I believe na sa kabila ng mga problema na dumadating sa buhay natin, we can always ask for His guidance para malampasan natin yung mga pagsubok na kinakaharap natin.




Parang nakapababaw ng mga inilista ko, pero doon ko napagtanto na sa mga mababaw na bagay, kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko imbis na magpakalunod at magpatalo sa mga pagsubok na dumarating.

6 comments:

gillboard said...

Ako, I write... lahat ng frustrations... apparently it drowns out the sorrow. tsaka naaalala ko kung magandang memory pagbinabasa ko ulit.

and dvd marathon of whatever series that makes me happy... "How I Met Your Mother"

at naglalaro ng xbox!!! linalabas ko lahat ng galit ko sa mga kalaban ko...

iriz said...

O.C. ka?

halos ganun lang din ako. soundtrip habang nag-ge-general cleaning ng bahay, lakad pag gusto mapag-isa, daanin sa kain ang sama ng loob (na lalo lang sumasama loob ko dahil hindi naman ako tumataba), pumunta sa church kung saan naghahalo ang luha at uhog.LOL.movie marathon kapg rest day.

ituh yung mga bagay na hindi nakakasawa gawin.mga sandaling masasabi mong "AKO 'TO E" ;0)

Eben said...

may naalala ako...may friend ako nung college...nagpunta sa simbahan tapos naglasing dahil masama ang loob. hindi ko na sasabihin kung bakit masama ang loob. LOL

kilala mo yun iriz. hehehe.

iriz said...

opkors! LOL.

but you don't know the whole story kung bakit cia naglasing, what you know is just one reason. the bigger one is about her family. nagkasabay sabay, ayun naloka na. haha.

i spoke to her last night and told me she was very thankful for every damn thing that happened to her life. she was not the same girl i used to know few years ago, yun nga lang umiinom pa rin cia. LOL

tama na to...o, tagay mo na! ;)

Eben said...

umiinom pa rin? pwede bang paki-batukan. LOL

sige sirain nya atay nya. hahaha.

iriz said...

ouch. chakit nun a...

don't worry she doesn't drink lately,last time was May pa (lol.detalyado). at hindi nia ipagpapalit ang chuckie at nestle premium chocolate drink over san miguel light. LOL