Sunday, 22 June 2008

May bagyo kaya bumaha ng sopas

Note: Pasensya na sa code switching, trip ko lang magkwento in my own conversational manner. :p

Kakawatag ko lang sa family ko sa Pilipinas, signal number three ngayon dahil sa bagyong Frank, and as usual, baha na naman sa bahay namin. Buti at hanggang sakong lang naman, unlike dati na umaabot hanggang tuhod ang tubig baha. Maliban sa bagyo at sa bahang dulot nito, maayos naman ang kalagayan nila doon. Kasalukuyang naglilimas ang Nanay ko, yung isang kapatid ko at Tatay ko naman ay pumasok sa trabaho, yung isa pang kapatid ko ay natutulog pa kasi napuyat sa pagbabantay sa Bantay Bayan Outpost, at yung dalawang kapatid kong babae doon muna sa Tita ko nag-stay ngayon.

One thing na namimiss ko sa Pilipinas ay yung pagkain, lalo na pag lutong bahay. Tuwing tatawag ako sa family ko, palagi akong nagtatanong kung anong ulam. As if naman makakakain ako ng ulam nila, hehe. Siguro dahil namimiss ko rin yung luto ng Nanay ko, kaya kanina nagtanong ulit ako. Sopas at pritong isda daw ang ulam, tapos may meryenda pa silang ginatang mais. Nainggit tuloy ako, haha. Kaya kahit bumabagyo na, enjoy pa rin kasi busog ang tiyan ng mga masasarap na pagkain.

May naalala tuloy ako, I think that was two years ago, kasagsagan ng bagyong Milenyo. Malakas din ang ulan at hangin, tapos nag-brownout pa.Hindi ako nakapasok sa opisina kasi baha sa amin, ang Nanay ko naman ay may pinuntahan at ang Tatay ko pumasok pa rin sa trabaho nya kahit na bumabagyo. Ako ang naiwan sa bahay para asikasuhin yung mga kapatid ko. Naghahanda ako noon ng pananghalian namin, naisip kong magluto ng sopas. Nakahanda na ang lahat ng gagamitin ko sa pagluluto – lahat ng ingredients at mga kasangkapan, nang biglang maubusan kami ng LPG. Nag-gigisa pa lang ako ng bawang at sibuyas tapos nawalan ng apoy ang kalan! Buti na lang at may backup kaming kalan-de-uling. Inutusan ko ang kapatid ko na i-setup ang kalan-de-uling sa harap ng pintuan ng bahay namin. Nagparingas siya ng apoy at nang magbaga na ay inilagay ko na ang kaldero at pinagpatuloy ang naudlot na pagluluto ng sopas. Maayos naman ang mga sumunod na nangyari, halo dito halo doon, lagay ng giniling, tapos hot dog, tapos macaroni pasta, tapos pinakuluan, tapos nilagay ang repolyo at leeks, at pinaka-last yung evaporated milk. Sa wakas, maluluto na ang sopas, kailangan na lang pakuluan pa ng ilang minuto at pwede na kaming kumain. Malamig ngayon dahil sa ulan at bagyo, kaya masarap humigop ng mainit na sabaw ng sopas. Pumasok ako sandali sa loob ng bahay upang iligpit ang mga pinaggamitan ko sa pagluluto.

Nang biglang may narinig akong kumalampag na parang may nahulog, at sumunod nun ay narinig ko ang Tita ko na sumisigaw.

“Yung sopas! Yung sopas!”

Dali-dali akong bumalik sa labas kung nasaan ang kalan-de-uling, at nagulat ako sa aking nakita.

Tumapon ang sopas. Nagkalat ang pagkain at naging kulay puti ang sahig.

Sa sobrang lakas ng hangin ay nagawa nitong pagalawin ang pintuan ng bahay, hanggang sa tamaan nito ang kalan na sakto namang nasa harapan lang ng pintuan. Nagalaw ang kaldero, at tumapon ang laman nito sa sahig. Nanlumo ako. Gusto kong sisihin yung pintuan, yung hangin, pati si bagyong Milenyo. Pero wala ng magagawa kundi ang tanggapin na wala na ang sopas. Ang kaunting natira sa kaldero, pinakain ko na lang sa bunso ko ng kapatid. Oras na ng pananghalian, wala pang lutong ulam. Naisipan ko na lang na magluto ng instant noodles. Buti na lang at may tinapa pa pala kami sa ref kaya nagprito ako. This time ay nakabantay na talaga ako sa kalan, hehe.

Pagdating ng Nanay at Tatay ko, saktong kumakain na kami ng tanghalian ng mga kapatid ko. Brownout pa rin kaya naglagay na lang ng kandila sa lamesa. Kinwento ko sa kanila ang nangyari at natawa na lang sila. Pinagsaluhan namin ang noodles, tinapa, nilagang okra at bagoong isda, habang ang bunso kong kapatid ay sarap na sarap sa kaunting sopas na nag-survive sa kaldero.

2 comments:

gillboard said...

grabe yung bagyo ngayon... di ko alam kung alin yung mas malakas, eto o si milenyo, pero di ako nakatulog!!! haaay!!!

iriz said...

nakakatuwa ung nga moments na kahit nakakainis ung nangyari the family still ends up laughing together. that's one thing na i also enjoy with my family.

nice story.

sa susunod wag ilalagay ng malapit sa pintuan ang kalan lalo na't malakas ang hangin ha. lol.