Wednesday, 16 April 2008

Sampung pinaka-kakaiba kay Eben

10. Adik ako sa Vicks vaporub. Kahit wala naman ako sipon, hilig ko suminghot ng Vicks. Bago matulog naman, naglalagay ako ng Vicks sa paligid ng mata at sa ilong para makatulog ako.


9. Kapag nagluluto, kadalasan hindi ko tinitikman kung tama na ang timpla ng niluluto ko, pero masarap pa rin ang kinakalabasan (ayon sa mga tumikim :p)


8. Takot ako sa mga payaso. Para sa akin sila na siguro yung pinaka-weirdong entertainers. Para kasing there’s something beneath those costumes and wide smiles, parang gagawa ng masama at front lang nila ang pagiging kwela.


7. Malikot ako matulog. Humanda ka kapag nakatabi mo ako sa pagtulog dahil puro sipa at tadyak ang aabutin mo sa akin.


6. Mga weird things sa pagkain: 1) I enjoy eating banana na nilalagyan ng peanut butter. 2) Hindi ako kumakain ng paa ng manok, carrots, kalabasa at atsara pero kumakain ako ng isaw, mga gulay na “malaway” tulad ng okra at saluyot, at mahilig din ako sa kimchi. 3) Nung bata pa ako, tirador ako ng Star Margarine, hinahalo ko sa kanin, madalas kahit kanin at Star Margarine lang naitatawid ko na ang gutom ko.


5. Kaya kong pagalawin ang tenga ko ng hindi ginagamit ang kamay.


4. Listening to classical music or basta kahit anong music na may classical instruments, especially strings, helps me go to sleep and sa work naman mas nakakapag-code ako. Pampatulog ko din si Enya.


3. Nangangati ako pag nakakakita ng ipis. Para sa akin ipis na siguro ang pinakamaruming hayop sa balat ng lupa. Pero naaawa naman akong patayin sila (O dahil nandidiri lang talaga ako lol ).


2. Nagpa-pulpitate ako kapag umiinom ng kape. Kaya naman laging gatas, juice or Milo ang iniinom ko.


1. Hindi ako mahilig magtapon ng mga lumang gamit. Kahit yung mga test papers, notebooks at project compilations noong nag-aaral pa ako, lahat yun nakatabi pa rin. Pati mga lumang resibo ng mga pinamili or yung galing sa ATM, iniipon ko pa rin. Kahit na wala na akong paggagamitan sa kanila, hindi ko pa rin magawang itapon.

3 comments:

wanderingcommuter said...

hahaha... magkakapareha tayo sa mga numbers 8, 5, 4, 3 at 1...

rock on sa mga praning! hahaha!

Eben said...

ayos! mabuhay ang mga praning! hahaha!

Reign said...

Bago matulog naman, naglalagay ako ng Vicks sa paligid ng mata at sa ilong para makatulog ako." -- lagkit naman nun. lol.

"Kaya kong pagalawin ang tenga ko ng hindi ginagamit ang kamay" --- maganda ilagay toh sa resume! lol

Nice post dear! ;0)