Tuesday, 8 April 2008

Luto at Lotto

Ika-9 ng gabi, tinawagan ni Eben ang family niya sa Pilipinas.


(Phone ringing) Sinagot ni David (kapatid ni Eben) ang cellphone.


David: Hello?


Eben: Hello, Joseph (youngest bro ni Eben)?

David: Hinde, si David ‘to.

Eben: Oy David, kamusta? San si Mama?

David: Teka tatawagin ko kumakain ng Ube cake, regalo ni Papa sa kanya.


Tinawag ni David si Mama, ilang sandali pa...


Mama: Hello? Anak..

Eben: Ma! Happy Birthday! Kamusta diyan? Naghanda kayo?

Mama: Eto ayos lang naman kami dito. Di naman ako naghanda ng marami, nagluto lang ako palabok dalawang kilo saka bread rolls. Binigyan ko lang mga Tito at Tita mo saka nagdala rin ako sa opisina. Kamusta ka diyan? Ano nga pala nangyari nung Linggo diba nagluto ka dun sa kasal ng kasamahan mo sa trabaho?

Eben: Ayun, nagustuhan nila yung Adobo ko, hehe. May isang bisita doon sabi niya masarap daw, pati nga yung wife ng officemate ko na kinasal nagustuhan din niya yung adobo. Niluto ko yun Sabado ng gabi, hindi ko na nga tinikman kung tama ang timpla ng suka at toyo. Nilagyan ko ng patatas at itlog para mas masarap. Buti at nagustuhan nila. Nakakatuwa nga, kasi may catering service pala sila, tapos dagdag na lang na ulam yung niluto ko na adobo. Nilagay pa talaga nila yung niluto ko doon sa isang tray ka hilera nung ibang food sa catering. Ayun, nagustuhan naman nila, pati yung bisitang Singaporean binalik-balikan yung adobo ko. Nung gabi naman, tumulong ako sa pag-iihaw ng barbeque, kaya pag-uwi ko nun ng bahay pagod na pagod ako. Instant cook ang role ko sa wedding, hehehe. Mana sa inyo eh (kelangan may pambobola)


Walang sumasagot sa kabilang linya...Tapos biglang may nagsalita...


Mama: AY PUCHA! KWATRO-OTSO LUMABAS SA EASY 2 OH! DAVID!!! TAWAGAN MO NGA PAPA MO SA TRABAHO, TANUNGIN MO KUNG TINAYAAN YUNG BERTDEY KO! O anak kamusta yung kasal nung Linggo?


Natameme si Eben, nanonood pala sila ng Lotto sa bahay.


HAPPY BIRTHDAY MA!

1 comment:

lady said...

ahaha.. natawa ko sa kwento.

lav eet!