Monday, 3 March 2008

Pagbitiw at Pagtanggap

Isipin mo na lang, isang basong tubig.

Kung hahawakan mo siya ng sandali, tapos bitiwan mo rin agad, magaan lang siya. Pero kung palagi mo siyang hawak, kahit saan at kahit kailan, magiging pabigat din.

Pabigat. Unnecessary baggage. Meron din ako niyan.


Siguro naman nobody wants to carry around unnecessary baggage di ba? Ewan ko ba, parang ginawa ko na yata lahat ng alam kong pwedeng gawin mabitiwan lang ang baso, pero wala pa rin.

Nothing seems to work.

Bitawan mo na Eben.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Simple lang daw ang buhay. Kung ayaw, e di wag. Kung hindi talaga pwede, e di wag. Kung hindi talaga posible, e di wag. Tao lang daw nagpapakumplikado ng buhay. At isa ako dun sa mga taong mahilig maghanap ng kumplikasyon.

Kapag naisip mo kasi yung kabuuan ng isang sitwasyon, mahirap sabihin na simple lang ang lahat. Maraming factors, angles, o sides na dapat i-consider. Yung pagsabi ng “E di wag”, kalahati lang yun ng buong kuwento.

Sige na nga, life is simple. Pero pag may dumating na kumplikasyon, yayakapin ko na lang ng buong giliw. Tanggap lang ng tanggap.

No comments: