Wednesday, 9 January 2008

Urduja

Nakita ko kanina sa youtube, may animated film na pala ang kwento ni Urduja*. Ang nakakatuwa pa, pinoy ang gumawa! Matagal tagal na rin simula ng maglabas ang local movie industry ng isang full length animated film. Napanood ko ang teaser ng pelikula, at masasabi ko na magugustuhan at tatangkilikin ito ng mga pinoy. Kahit na sabihin na natin na 2D lang siya, ito ay isang bagay na maipagmamalaki na sariling atin, simula sa istorya, mga aktor at aktres na nagboses, at ang mga bumubuo sa produksyon lalung-lalo na ang mga animators. Hindi man ka-lebel ng mga Hollywood studios like Disney/Pixar o ng Dreamworks, ipinapakita ng pelikulang ang husay ng mga pinoy sa larangan ng sining at kung gaano kayaman ang ating kultura at kasaysayan.




Tampok ang boses nina:

EDDIE GARCIA bilang "Lakanpati"
JOHNNY DELGADO bilang "Wang"
ALLAN K bilang "Tarsir"
MICHAEL V bilang "Kukut"
CESAR MONTANO bilang "Lim Hang"
at
MS. REGINE VELASQUEZ bilang "Princess Urduja"

kasama sina:
JAY MANALO
RUBY RODRIGUEZ

Musika ni: Mon Faustino

TUNGHAYAN ANG
IBA'T IBANG KULAY NG KASAYSAYAN
AT ISANG ALAMAT NG PAG-IBIG..

Mula sa APT Entertainment at Seventoon at Imaginary Friends production

Abangan ang Urduja ngayong 2008!



*Urduja (ca. 1350 C.E - 1400 C.E.), is a legendary warrior-princess who is recognized as a heroine in Pangasinan.

No comments: