Sunday, 13 January 2008

Certified PUPian


I saw this one on my friendster's bulletin board. Naisipan ko i-repost at dagdagan. Reminds me of my college days at nae-LSS na naman ako sa Imno ng PUP.

"Sintang paaralan, tanglaw ka ng bayan...."




1. tumatambay sa chapel at lagoon na parang luneta sa dami ng lovers na naglalambingan.

2. kumakain ng fishball, kalamares, kikiam, kwek-kwek..pag vacant o uwian na..

3. dumadayo sa gilid ng simbahan pra kumain ng eat-all-you-can na lugaw (dati P5..ngayon ewan ko..)

4. nagpapaprint ng mga thesis, assignments sa mga computer shop na tig pipiso per page

5. tumatambay sa may antique house at sumasabit sabit sa sanga ng puno na parang unggoy

7. bumibili ng shake na cheese flavor sa labas ng PUP.

8. kumakain ng murang murang fried siomai na may kasamang kanin sa labas din ng PUP

9. tinutubuan ng ugat sa paa sa haba ng pila pag enrollment

10. tumatambay sa napakalawak na library na konti ang libro

11. nagvavandal sa mga desk ng upuan

12. diretso sa computer shops pra mag counter strike, magdota, makipagchat, magresearch after ng klase

13. ng ennroll ng swimming class pero ndi nkakapag swim sa pool..

14. sumasakay ng PNR a.k.a Orange Line

15. kumakain ng sandwhich (a.k.a Flying Saucer) na tig P5 na may palamang giniling, cheese, ham at kung anu anu pa..

16. Umiinom ng gin na nakalagay sa mineral water.

17. Tuwang tuwa pag may Rally.

18. Hindi humihinga pag nag c-cr.

19. May mga matatanda kang prof n nagbibigay ng 3.

20. Iniisip mo kung parking ang loob ng main bldg. Para san ba kc yung dome sa gitna? daanan ng sasakyan?

21. Ang Teresa St. ay one stop shop.. lahat andun na!

22. baha sa harap ng campus.. dahil sa bagyo.. pagcancelled ang klase, dmi pa ring tao sa gate.

23. kung nakatawid ka sa ginawang tulay na kahoy ng mga taga Teresa pag baha at pagdating sa dulo ay magbabayad ka.

24. kung natry mong wag magbayad once na nakatawid ka! hehe!

25. kung nakapagpapicture sa mga artista dahil laging may shooting sa library.

26. nagpaluto at kumain ng lucky me pancit canton or yakisoba na tig 8 pesos (dati.. di ko na sure ngayon) sa may teresa.

27. kilala mo ang mga “patok” na jeep tulad ng Rosbee, Ermitanyo, Challenger, etc..

28. tambay ka ng SM Centerpoint

29. nagfi-fill up ka ng napakalaking enrollment form na hinahati sa apat. (ngayon yata computerized na sila)

30. gumagamit ka ng blue book during exams.

31. naranasang masungitan ng mga taga Accounting Dept. Lalo na yung mga matatandang empleyado.

32. sa labas ng PUP, bumibili ka rin ng super sarap na turon at banana Q na balut na balot ng asukal.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ikaw? PUPian ka ba? Isa ka rin bang Isko at Iska?

2 comments:

Emierald said...

Nakakamiss naman ang PUP... Isa rin akong PUPian at lahat ng sinabi mo totoo.. haha ^__^

Ebenezer said...

hi emierald, yap nakakamiss nga ang peyups. hehe