Thursday, 10 January 2008

Bakit kaya?

Bakit kaya kung kailan ako nakapagpa-book ng flight saka naman nag-promo ang mga airlines?


Bakit kaya laging may pahabol na last minute revisions si bossing lalu na't patapos ka na sa ginagawa mo at malapit na mag-uwian.


Bakit kaya may mga tao na parang naiinggit sa schedule mo sa trabaho? Dahil lagi silang busy at nagtatrabaho ng overtime, samantalang ikaw hindi man lang nape-pressure. Sasabihan ka pa ng “Pare sarap ng buhay mo ah” nang may pagka-sarkastiko.


Bakit kaya nasasabi natin na “okay lang ako” kahit na ang totoo naman ay may dinaramdam tayo?


Bakit kaya “okay lang” ang madalas natin sinasagot kapag tinatanong tayo ng “kamusta?”. Kaya bang ibuod ng “okay lang” ang lahat ng nararamdaman natin?


Bakit kaya kahit kasama na natin yung mga taong nakakapagpasaya sa atin, pakiramdam pa rin natin ay nag-iisa tayo?


Bakit kaya madalas hindi natin napapansin yung mga taong totoong nagmamahal sa atin? Nakatingin tayo sa malayo, namamangha sa ating tinatanaw, pero hindi natin nakikita ang kariktan na abot kamay lang naman natin.


Bakit kaya kailangan muna nating maranasan ang mawalan, bago tayo matutong magpahalaga? Yung tipong matatauhan lang tayo na mahalaga pala sa atin ang isang tao, kapag hindi na natin sila kasama. May panghihinayang tuloy sa bandang huli dahil may mga bagay tayo na hindi nasabi sa kanila, na dapat sana ay sa una palang ay naibulalas na natin.


Bakit kaya?



No comments: