Friday, 9 November 2007

Ano bang latest, Eben?

Noong nakaraang miyerkules, muntik na ako masagasaan. Hindi namalayan na naka-red light na pala at wag munang tumawid. Abala kasi ako sa kakatext.


- - - - - - - - -


Ngayon ko nadiskubre na may pagka Kengkoy yung manager ko. Napapasayaw pag may error yung program! Hindi siya ganun pag yung indian teammate ko yung kasama niya. Haha.


- - - - - - - - -


Walang YM at Internet sa trabaho for the whole month of November (sad). Wala kasi nun sa ICA (Immigration and Checkpoints Authority).


- - - - - - - - -


Kelangan labanan ang antok sa trabaho, kelangan ko ng mp3 player.


- - - - - - - - -


Nabawasan yata ang timbang ko, yun sabi ng tita ko. Yung isang friend ko naman ang sabi, mukhang bangag daw ako palagi sa mga pics ko. syet!


- - - - - - - - -


Kinakabahan ako sa deadline ko!!! November 16. Sana lang matapos ko lahat ng enhancements at unit testing. Yung unang batch ng Test Script umabot ng 45 pages, at may susunod pa dun. Naiiyak na ko. Haha!


- - - - - - - - -


Masakit ang ulo ko. Para akong magkakasakit. Siguro dahil kulang sa tulog, kulang sa kain, wala lang makausap sa opisina (kasi ako lang ang naka-deploy sa kliyente, walang pinoy na makausap), o dahil....


- - - - - - - - -


Ang worry ko, I'll be hitting rock bottom this November. Kaya lahat ng pagtitipid ginagawa ko na. Dalawang araw ko na nilalakad mula MRT station hanggang bahay kapag umuuwi ako para lang makatipid sa pamasahe. Ah basta, kaya ko 'to.



- - - - - - - - -


Kailangan ko ng Time Machine.

No comments: