Monday, 24 September 2007

Inaasam-asam




Nais kong maniwala

Na ang buhay ko'y may pag-asa

May liwanag, may ligaya
Buhay na puno ng saya

Sa kabila ng pait

Lungkot at pasakit
Alaala mo man ay di mawaglit
Nais kong lumimot
Nais kong magbago
Nais kong itama ang mga pagkakamali

Burahin ang marka ng kahapon
Mamuhay sa kasalukuyan
Isara ang pintuan ng nakalipas
Mag bagong bihis
Gaya ng isang bagong silang na sanggol
Tulad ng namumukadkad na bulaklak
Wari'y hamog at simoy ng hangin sa umaga
Katulad ng bukang-liwayway.


ca. 12-oct-2006

No comments: